Chapter 3

331K 6K 1.3K
                                    

3

“Aaahhhhhh!!!! Lubayan mo ako!” Sigaw nito at nagtatakbo sa corridor ng school.  Binilisan ko na din ang takbo ko.

“Jayson! Teka! Wait!” Lumiko siya papuntang library kaya binilisan ko lalo ang takbo ko. Banned ako dyan kasi nag ingay ako last time dahil nga ayaw akong kausapin ni Jayson. At alam niyang hindi ako papapasukin kaya doon siya magtatago.

“Panget ka! Panget!” Sigaw pa niya at pumasok na sa library. Napatigil ako. Kainis! Hindi ko siya naabutan. Ibibigay ko pa naman ang cake na binili ko kanina! Kaasar.  Pero infairness ha, ang bilis niya tumakbo. Pwedeng pwede na siyang sumali sa track and field.

Nung narealize ko na malabong lumabas siya ng library, umalis na ako. At nung dismissal na hindi ako tumambay sa labas ng classroom nila katulad ng nakagawian ko kasi alam kong pagkakita niya pa lang sa akin, tatakbo na naman siya.

Nagtago ako sa likod ng locker at hinintay na lumabas siya. Paglabas siya, palinga linga pa siya sa paligid. Hinahanap niya ako? Namimiss niya ako?

And then his face brightened na parang may malaking tinik na naalis sa dibdib niya. Tapos lumabas na din ang current gf niya. Inakbayan niya ito at naglakad na sila papunta sa akin. Yes! Nagtago ako lalo. At nung nakalagpas ako ng kunti, pasimple akong sumabay sa kanya at binulungan siya sa tenga.

“You can run, you can hide, but you can’t escape my love. Bwahaha.” 

“Nyaaayyyy!” Biglang sigaw niya at naitulak na lang bigla ang girlfriend niya. Napasubsob ang girl sa sahig. Tapos tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata.

“You!” Napaatras siya na parang nakakita ng multo.

“Hi! Jayson.” Nagwave pa ako at ang laki ng ngisi ko.

“For you.” Sabay abot ng cake.

“Waaaahhhhhh!” At nagtatakbo na siya paalis at iniwan ang girlfriend niyang nakadapa sa sahig. Poor girl.  Buti na lang talaga hindi ako ang gf ni Jayson. Ayaw kong masubsob sa sahig.

At yun nga ang naging sitwasyon namin. Tuwing nakikita niya ako, iwas siya ng iwas ako naman habol ng habol. Hindi ko nga ba alam kung bakit ang saya saya kapag hinahabol ko siya at kapag tumatakbo siya. Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikitang natatakot kapag nakikita niya ako. Ang galing nga eh, habang tumatagal bumibilis akong tumakbo ng dahil sa kanya. Sumali pa ako sa intramurals sa 1x100m run at nanalo ako.

Pero yun nga lang, dahil ahead siya sa akin ng isang taon, nauna siyang naggraduate. Lungkot na lungkot ako nun kasi siyempre hindi ko na siya makikita. Pero at least may naiwan pa siyang alaala sa akin. Kinuha ko kasi ang yearbook nila sa library at pinunit ang page kung saan ang profile niya.

Namemorize ko na nga ang nakalagay dun eh.

Jaysonsa Ivanne Aldueger

Last Message: Free at last! Free at last! Thank god almighty I am free at last.

Ang galing ano? Ang poetic niya. Hayyysss… My Jayson….

---

“Doc…” Napatingin ako sa secretary ko.

“Papasukin ko na po ba?” Nagtatakang tanong ng secretary ko. Nagtataka siguro siya kung bakit nangingiti ako.

“Yes.” Ngingiti ngiting sabi ko at tumingin ulit sa Patient Data Sheet.

“Jaysonsa Ivanne Aldueger, nice meeting you again.” Napatingin ako sa pinto habang dahan dahan itong bumubukas. And I was greeted by the same handsome man which have matured for the last twelve years since I’ve seen him. He still have that same curly brown hair, penetrating eyes, flawless complexion but now, he seemed taller and more mascular but not too mascular.

He matured and this time, he seemed uncertain and unsure. Nasaan na ang dating Jaysonsa na playboy na nakilala ko?

“Good Morning Doc.” Alanganin na sabi niya.

“Good Morning Jayson. Sit down.” Umupo siya sa harapan ko pero hindi naalis ang tingin niya sa akin. Nakakunot pa ang noo niya. So…hindi niya ako natatandaan? Kunsabagay, nightmare niya ako dati at hindi na dapat inaalala.

“Doc, parang familiar ka sa akin.” Sabi niya bigla. Napangiti ako.

“Ows? Talaga?” I am again starting to be amused with him.

“Parang nakita na kita dati.” Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Well, maybe I am familiar. Hindi naman talaga malaki ang ang ipinagbago ng mukha ko nung higschool at ngayon. Inalis ko lang naman ang makapal kong eyeglasses nung nag 4th year college na ako dahil nga sa sobrang laki na ng grado ng mata ko kaya nagcontact lense na lang ako. Nawala na din ang mga pimples ko na tumubo lang dati inm bulk dahil nga nagdadalaga ako. Aside from my light brown hair at ang pag aayos ko wala namang nabago sa akin.

“Talagang nakita mo na ako dati. Schoolmates tayo nung highschool. One year ahead ka lang sa akin.” Malaki ang ngisi ko nung sinabi ko yun.

“Talaga? Wow! Small world Doc.” Tumango tango lang ako na nakangiti.

Tapos nakita ko ang mga mata niya na nakatingin sa pangalan ko na nakasulat sa marble nameplate na nasa taas ng table ko.

“Dr.  Hannah Roselyn D. Dela Rosa.” Malakas na bigkas niya habang unti unting lumalaki ang mga mata. Pinapanood ko lang ang bawat reaksiyon sa mukha niya and I’m afraid na anytime soon ay tatawa na algn ako ng malakas bigla.

“Nice meeting you again Jayson.” I beamed at him.

“Ikaw!? Ikaw si Roselyn? Yung…yung…” Halos hindi niya matapos ang sasabihin niya.

“Yung stalker mo nung high school.” At tumawa ako ng mahina. At doon na siya namutla. 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon