Chapter 19

250K 4.4K 446
                                    

19

‘I heart  you, from head to toe. Kahit ang ingrown mo, ginagalang ko.’ Kulang na lang itapon ko ang cellphone ko pagkabasa ko ng text na yun galing kay Jaysonsa. Pinagloloko talaga ako ng lalaking to. Manliligaw daw siya pero ano itong ginagawa niya? Akala ko nga makakatakas na ako sa kanya nung nakaalis ako sa parking area pero hindi pala dahil simula pa lang pala yun, kung makapagtext siya sa akin, parang wala ng bukas. Ganun daw talaga ang manliligaw, ubusan daw ng load. Mabuti sana kung may kabuluhan ang mga tinetext niya pero hindi eh, kalokohan lahat.

‘Anong ingrown ang pinagsasabi mo? At wala ka ba talagang magawa sa buhay mo at ako ang pinepeste mo!!!?’  Kung nasa harap ko lang siya nasinghalan ko na talaga ang siraulong lalaking yun.

Ilang beses na din siyang nagyaya na lumabas kami pero madami akong excuses. Kasi naman, pumayag lang naman ako sa chance na sinasabi niya para makaalis ako ng matiwasay sa parking lot na yun.

‘Bakit wala ka bang ingrown?’ Reply niya sa text ko. Lalo akong nanggigil sa text niya kaya nagmamadali akong nagreply na may kasama pang gigil sa bawat pindot ko ng letters. Mabuti na lang at nauso na ang touchscreen kundi sana durog na ang keypad ng cellphone ko.

‘Pinagloloko mo ba ako!!!???’ Then I hit send at padabog na nilapag ang cellphone ko sa mesa at naghintay ng reply niya. Pero lumipas ang isang minuto at hindi tumutunog ang cellphone ko. Ilang beses ko ding sinilip kung may message at baka hindi lang tumunog pero wala.

Ano bang ginagawa ng sira ulo na yun at hindi na nagreply? Siya tong naunang mag text tapos hindi siya magrereply?

Lalo tuloy akong nainis.

Pero teka nga! Bakit ko ba inaanticipate ang text niya? At bakit ba ako nakikipagtext sa kanya in the first place? Sumandal ako sa upuan ko at hinawakan ang cellphone. Tama! Hindi ako dapat nagtetext sa kanya. Hindi ko dapat siya pinapansin sa cellphone.

And I was about to turn off my phone when I heard the message alert tone. At hindi ko alam kung ano bang demonyo ang sumapi sa akin at hindi ko magawang patayin ang phone ko, instead, binuksan ko pa ang message na alam ko naman kung saan nanggaling kahit na hindi ko na tingnan ang sender.

‘Hindi ah! Kelan ba kita niloko?  Sabi kasi ni Dao, pamatay na banat lines daw yun.’ At nagpauto naman siya kay Doc Tamadao.

‘Talagang mapapatay kita sa pinaggagawa mo.’ And I hit send. May idadagdag pa sana ako nung marinig ko ang tawa ng secretary ko. Napataas ang kilay ko nung tiningnan ko siya na nakangiti at nakatingin sa akin.

“Oi si Doc, may pangiti ngiti pang nalalaman habang nagtetext.” Sabi pa niya na punong puno ng malisya. Pasimple kong nilagay ang cellphone ko sa table at tiningnan ng masama ang secretary ko.

“Anong ngumingiti? Hindi ah! Guni guni mo lang yun.” Napatingin tuloy ako sa maliit na salamin sa table ko para silipin kung nakangiti nga ba ako o hindi. Ngumingiti ba talaga ako? At bakit naman ako ngingiti? Naiinis nga ako di ba? And besides I am not like those love struck teenagers na nangingiti mag isa habang kaharap ang cellphone. No… I am not like that. I am way pass that stage. I am an adult. A respectable adult. Lagpas na ako sa kilig stage and excuse me, hindi ako kinikilig. Hindi naman kakilig kilig itong si Jayson.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon