[Epilogue]

329K 8K 1.8K
                                    

EPILOGUE


Nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi ko alam kung pinanganak lang ba akong malas o ganito na talaga ang kapalaran ko sa buhay. Yung parang kailan lang, nagpapakasasa pa ako sa pagitan ng ng mga hita ng iba't-ibang babae, hanggang sa nag-iba ang ikot ng mundo at nagpakasal ako nang hindi inaasahan.

Hindi inaasahan pero sa pagdating ng panahon, parang ang hirap na niyang bitawan.

Bitawan? Pero kailangan. Yun ang gusto nya. Kailangan kong ibigay yun sa kanya ang magpapakasaya sa kanya.

Ilang Linggo na ba nung iniwan nila ako? Simula nung iwan nila ako, para akong nawala sa sarili. Napapabayaan ko na ang trabaho ko't pati na rin ang sarili ko. Gaya nalang ngayon. Gabi na, pero ni hindi pa ako nanananghalian o 'di kaya'y nagmimiryenda man lang. Para ano pa? Kapag walang inspirasyon sa buhay, ang hirap ng kumilos. Nararamdaman ko lang kung gaano kapatapon ang buhay ko. I feel so empty.

Siguro nga, masasabi ng iba na may iba pa naman dyan... Na mag-move on nalang ako dahil hindi siguro kami para sa isa't-isa ni Lyza kaya kami nauwi sa hiwalayan. Pero ano bang pakielam nila? Sino ba sila para malaman kung sino ang para sa akin? Binabadtrip lang nila ako. Mas mabuting manahimik nalang sila kaysa yung mangpepeste pa ng ibang tao!

"Derrick!" boses ni Wayne.

Hindi ako natinag sa pakikipagtitigan sa mga city lights na nasa harapan ko. Simula nung iniwanan ako ng mag-ina ako, gusto kong laging tumatambay dito sa balcony. Ayoko sa loob ng unit ko, miski sa kwarto, sa bathroom at kahit sa kwarto ng anak ko. Fuck! Hindi ko na nga alam kung saan ako pupwesto na hindi ko sila maaalala. Kailangan ko nang magsimulang umusad sa buhay ko. Kung mananatili akong ganito, tiyak walang mangyayari sa akin.

"Hoy, Derrick! Kanina pa ako nagsasalita dito! Naririnig mo ba ako, dude?"

Lumagok ako sa hawak kong beer saka ako pumikit. Wala ako sa mood na makipag-usap sa kahit sino. Baka masamaan ko lang ang isang 'to kaya hindi na ako sumagot.

"Grabe, dude. Nagpapakaermitanyo ka ba dito? Yung bigote mo oh, 'di mo na inaahit," pabiro niyang sabi saka niya sinipa ng bahagya ang hita ko. "Bumangon ka nga dyan! Tara, hang out tayo?"

Umiling ako at lumagok na naman sa beer ko. Pesteng hang out yan. Wala akong panahon para dyan!

"Ay, anak ng tokwa! Bingi-bingihan? Monteverde, lumabas ka naman dyan. 'Wag mo namang ganyanin ang sarili mo. Para kang gago."

Tinabig ko siya bago ko siya tinalikuran. "Umalis ka nga ditong ungas ka. Dun ka manggulo sa iba. 'Wag dito!"

"Tss. Nung birthday mo, nagkulong ka lang dito. Pati ba naman ngayon?"

Ni hindi ko nga natandaan kung kailan ang birthday ko sa dami ng iniisip ko. Kung hindi pa ako binati ng mga kaibigan ko ay hindi ko pa maaalala. Ano na bang nangyayari sa buhay ko ngayon?

"Ano, sure ka bang 'di ka sasama? Aalis na ako!"

I grunted in irritation. "Ano bang okasyon at nanggugulo ka dito?"

"Wala. Alis na nga ako."

Mayamaya lang ay narinig ko na yung pagbukas at pagsara ng pinto. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya nakapasok dito dahil alam naman niya ang passcode ng unit ko.

Muli akong lumagok sa beer ko. Napamura pa ako ng wala na akong mainom. Tumayo ako at kumuha ng beer sa ref. Pagkabalik ko sa veranda, napansin ko ang firework display sa ere. Ano bang okasyon ngayon at puro ganyan ang nakikita ko?

Naputol yung panunuod ko sa firework nang mag-ring ang wireless phone sa loob ng unit. Mahilo-hilo pa akong pumasok sa loob para sagutin ang tawag. Malamang sa office na naman ito.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon