[30] One Click To Go

153K 3.8K 418
                                    

[30] ONE CLICK TO GO


LYZA'S POV

Shit. Nararamdaman ko nang malapit na akong manganak. Malikot na kasi yung movements ng baby ko sa sinapupunan ko. Ang advice sa akin nina Mama at ng mother-in-law ko ay dapat patagtagin ko rin ang sarili ko nang hindi raw ako mahihirapan na manganak ako na kesyo raw dahil panganay na anak ko ito. Haaayy... Ninenerbyos tuloy ako na anytime now ay iluluwal ko na ang bata na dinadala ko sa sinapupunan ko ng siyam na buwan.

"Itigil na kaya natin 'to, Lyza? Nahihirapan ka lang oh." Inaalalayan lang ako ni Derrick habang naglalakad paikot sa perimeter ng condo. Nakailang ikot na rin kami simula kanina. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito eh. But who cares?

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko. "Advice 'to ng Mama natin. Malay mo, makatulong diba?"

Patuloy lang ako sa paglalakad habang sapo-sapo ang tiyan ko. Si Derrick naman ay pakamot-kamot lang sa ulo niya. Hindi ko tuloy alam kung nabubugnot lang siya sa ginagawa namin o dahil kinakahiya niya na may kasama siyang buntis.

Napatigil tuloy ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin. "Derrick, kung nahihiya kang kasama ko, pwede mo naman akong pabayaan nalang."

"Ha? Hindi naman kita kinakahiya ah."

Nagpout ako. I really hate to do this because it might look pathetic, but with him, I just couldn't help it. "Obvious naman eh. Dyan ka na nga!"

Nag-walk out ako. Sinundan niya naman ako. Shiz! Sana pala hindi nalang ako nag-walkout dahil ang hirap maglakad.

"Lyza!" Hinawakan ako ni Derrick sa kamay at pinaupo ako sa pinakamalapit na stoned bench. "Dyan ka lang. Pahinga muna tayo."

Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa ibang direksyon. Nakakainis! Manganganak nalang ako't lahat-lahat pero naiirita pa rin ako sa kanya.

"Jena's interested with Jim, isn't she?" he asked all of a sudden and then placed his right hand over my tummy. Hinaplos-haplos niya lang yung ng paulit-ulit at dahil dun ay nakakaramdam ako ng pagkarelax.

Ano nga ba ulit ang tanong niya?

"Ano ulit yun, Derrick?"

"Ang sabi ko, interesado si Jena kay Jim. Hindi mo ba sila tutulungan?" Tanong niya ulit. Automatikong napaismid ako. Duh? Alam kong 'di kailangan ang opinyon ko tungkol dito pero hindi sila bagay.

"Jena's a bitch. Jim is a nice guy. Hindi sila bagay. Oh, please."

Natawa siya ng mahina sabay tap niya sa ulo ko. "Lyza, Lyza, Lyza. Parang tayo lang yan eh." Tinuro niya ang sarili niya, "Nice guy ako." At tinuro niya naman ako, "At psycho ka. Ayos diba?"

My brow pulled upwards. "Seriously? Define makapal ang mukha?"

Nice guy? Siya? Ha! Saang parte naman yun?

He chuckled. "Joke lang."

Umiwas ako ng tingin at nagbuntong-hininga nalang. Naninibago talaga ako kay Derrick. Dati, nakikipagbangayan talaga siya sa akin. Ngayon? Hindi na. Derrick, ano bang meron sayo ngayon?

Pagkatapos naming maglakad-lakad ni Derrick, napagdesisyunan niyang dalhin muna ako sa bahay ng parents niya. Sabi niya kasi, namimiss na raw niya ang lutong-bahay. Syempre, tinanong niya muna ako kung kaya ko pang bumyahe. Ayos lang naman yun sa akin dahil no hassle since may sarili namang kotse.

Pagdating namin sa bahay, sinalubong agad kami ng Daddy niya. Ako pa nga yung niyakap niya imbes na ang anak niya. Oh, how I missed being here. It's been a long time.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon