[20] Three Red Roses

181K 4.3K 316
                                    

[20] Three Red Roses


DERRICK'S POV


Umagang-umaga pero panay na agad ang pagbuntong-hininga ko. Tangina! Tinotohanan ba naman kasi ni Lyza ang hindi pagtulog dito kagabi sa kwarto namin. Malamang nandun nga 'yonn kay Jena nagpalipas ng gabi. Bahala nga siya! Namimihasa sa pag-walkout e. Anong akala niya sa akin, palagi siyang susunduin sa tuwing lalayas siya? Aba. Ano siya sinuswerte?

Saglit na naputol ang pag-iisip ko tungkol kay Lyza nang may nag-ring na cellphone mula sa kung saan. The phone is not obviously mine dahil iba ang ringtone nito.

"Tsk." Padapa kong inabot ang cellphone ni Lyza mula sa bedside cabinet. Shit! Mama ni Lyza ang tumatawag.

Napapikit ako saglit pagkatapos ay hinilot ang sentido ko bago ko sinagot ang tawag. "Morning, Ma."

["Derrick? Bakit ikaw na naman ang may hawak ng phone ni Lyza? I was expecting you to call back last night but you never did."]

"Uh... Ma— Ano kasi, nakalimutan ko," palusot ko.

["Okay lang. Nasaan na si Lyza? Her Dad has been meaning to talk to her since last night."]

Dun na ako napakamot sa ulo ko. Paano nila makakausap si Lyza kung wala naman ang bratinella nilang anak dito?

"Ma, tulog pa siya. Mamaya ka nalang ho ulit tumawag."

["What? At this hour? Tanghali na ah? Mag-aalas dose na."]

Shit. Alas-dose na pala. Hindi ko namalayan. "Ma, hindi kita marinig. Choppy ka..."

["Ang sabi ko, bakit tulog—"]

"Ano pong sabi mo? 'Di ko po talaga marinig." Tinap ko na kaagad ang 'hang up' at bumangon na sa kama. Hindi naman talaga choppy eh. Nakukulitan talaga ako sa nanay niya. Nasaan na ba kasi si Lyza?

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Tanghali na pero hindi pa ako nag-aalmusal. Ngayon pa lang kasi ako lumabas ng kwarto. Bahala na. Pag nakita ko ang psycho-ng yun, yayayain ko na agad siyang umuwi.

Pumunta muna ako sa cafeteria para kumain. Nag-order lang ako ng monster meal nila at pumwesto na sa pinakasulok ng cafeteria. Bawat tables ay may dividers na lagpas ulo. For privacy siguro sa mga diners.

Habang kumakagat ako sa burger ko ay naisipan kong pakielaman ang cellphone ni Lyza. Wala naman akong gagawin. May titignan lang ako.

Chineck ko ang albums niya— Syempre, puro pictures niya. Selfie lang niya. Last na tinignan ko ay ang messages niya. Tatlo lang ang threads na nandito; Mama niya, ako at si... Theo.

Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Umabot sa 180 ang thread nila ni Theo. Bakit ang haba naman? Samantalang sa akin ay nasa 50 lang. At puro ako lang ang laman dahil hindi naman siya nagrereply.

Dahil sa kuryosidad ko ay binuksan ko na ang thread ng ulupong na yun. At kung binubwisit ka nga naman...

Theo: 'Lyza, 'wag kang mawawala sa birthday party ko bukas ha? Sa resort namin. Nasa Batangas yan. Google map nalang. See you!'

Me: 'Sure thing. Malakas ka sa akin eh ;) Ano'ng gusto mong gift?'

Theo: 'Kahit presence mo nalang, ayos na sa akin. :D'

Me: 'Kaya gustong-gusto kita eh. Miss you, Theo! See you.'

Theo: 'Miss you too. Paalam ka na muna sa asawa mo.'

Me: 'Ako na ang bahala kay Derrick. I won't let him stop me.'

Nakaramdam ako ng panunuyo sa lalamunan ko kaya agad-agad akong lumagok sa softdrinks ko. Nagtagis ang mga bagang ko sa binasa ko. Wow. Napakatamis naman ng palitan ng messages nila. Bakit ang sipag magreply ni Lyza sa ulupong na yun? Ni minsan nga, hindi ako sinasabihan ng 'I miss you' ni Lyza. May affair ba silang dalawa?

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon