[39] Apology

180K 4.2K 748
                                    

[39] APOLOGY


DERRICK'S POV

"Where's my Mom?"

Nilapag ko muna yung paper bags ng inorder ko para sa lunch namin. Napagdesisyunan kong magpadeliver nalang kesa ang magluto ako. Kung sabagay, 'di pa naman ako confident sa kusina. Ayokong mapahiya sa anak ko.

"Your mom left a while ago," sagot ko at napansin ko yung pagkunot ng noo niya habang hawak-hawak yung red toy car. "But... Don't worry, Erick. She'll be here before 6."

Habang nilalabas ko mula sa paper bags ang bucket meal na inorder ko, napansin ko yung kakaibang titig sa akin ni Erick. Kaya naman huminto ako at tinignan din siya.

"What are you staring at?"

Nagpout siya. Katulad ng Mommy niya ay pinkish din ang mga pisngi nito. "Do you really find my mom cute?"

Natigilan ako. Oh man, is he bringing up the thing he witnessed earlier?

"Yeah, I do. Why?" Inilagay ko na sa harapan niya ang pagkain niya, at pati na rin ako ay pumwesto na sa tabi niya. Sa sobrang excitement niya sa mga laruan ay dito ko nalang sa kwarto niya dinala ang lunch. Ayoko siyang maistorbo sa paglalaro. Teka, hindi naman sigurong masama na i-spoilin siya ngayong nasa poder ko siya, hindi ba?

Umiling siya habang sinisimulan na ang pagkain niya. "Nothing. I also saw Raph kissing Mom few times before. Isn't it because he finds my mom cute, too?"

Biglang may bumara nalang na kung ano sa lalamunan ko. Shit. Bakit naman pinapakita nila yun sa bata?

Tumikhim muna ako. "Maybe yes. Can I ask you one thing?"

Tumango-tango siya habang kumakagat sa fried chicken. One sure thing about my son. He loves eating fried chicken.

"Uhm, how's Raph?"

Tumingin siya sa akin na nagtataka. Mukhang hindi niya naintindihan ang tanong ko.

"I mean, how's Raph being your Mom's boyfriend? Uh, does he treat you well?"

Nagpout siya at ibinaba muna yung chicken sa box. "Can we keep it as a secret?"

"Of course." Naalala ko tuloy bigla yung kinwento niya sa akin nung isang araw. Pinapagalitan daw siya ng boyfriend ng Mommy niya. So...?

"Raph always scolds me. Eventhough I don't do anything silly, he would always spank my butt!" At saka siya sumimangot at umiling-iling pa. "One thing I hate about him is that he always turns into a sweet man whenever we're with my Mom. I hate that liar!"

Dahan-dahan akong napatango. Naiintindihan ko na. Gago yung Raph na yun ah! Pinapalo ang anak ko sa pwet? Two-faced man pala ang hayup.

"Don't worry, I hate him too," paniguradong sabi ko sa kanya. "Does your mom love him?"

"Yeah, unfortunately."

Ginulo ko nalang ang buhok niya nung mapansin kong lumungkot ang mukha niya. Papalitan na nga lang ako, bakit yung patapon pa?

"Erick," tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin. "Would you mind if I ask you another question?"

"No."

Ngumiti ako at inilapit ang labi ko sa tenga niya. "Who do you like the most? Me or Raph?"

Tinignan niya lang ako ng naguguluhan. Pagkatapos ay napailing siya at pinagpatuloy ang pagkain niya. Oh. Wow. He ignored me.

"Erick, sinong gusto mo para sa mom mo? I am your dad. You must choose me, right?"

"You're not my dad. You're the dude."

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon