[37] Longing

146K 4.1K 592
                                    

[37] LONGING


LYZA'S POV

Friday night. Usually nung nasa Prague pa kami, naghahang out o 'di kaya'y nagdi-dinner out kami ni Raphael. Siguro ay nasanay na rin siya sa Friday routine namin kaya niya ako niyaya ngayong gabi.

Tahimik lang akong nagche-check ng mga e-mails ko through my iPhone habang nagdadrive si Raph.

"C'mon, Lyza. Drop that thing off for tonight," narinig kong sabi ni Raphael kaya ibinalik ko nasa loob ng purse ko ang phone ko at tinignan siya.

Raphael Clemente is a half-French and half-Filipino guy. We met in one of the popular bars in Prague a month after we moved there. We chatted once and it became a habit eventually everytime I went at the said place. Since then, we became good friends and turned into something deeper as months went by.

Siguro, isa sa mga factor kaya kami nag-click ay dahil may dugong Pinoy siya and not to mention, we're in the same field. Actually, he was the one who helped me get in one of the top broadcasting company in Czech Republic. Siya ang headwriter dun at isa naman ako sa mga segment writers.

"Babe, can I ask you something?"

Ngumiti ako sa kanya at bahagyang natawa. "You can ask me anything, Raph." I don't keep secrets from him. In fact, he knew that I'm still married and that is actually the reason why he came with me here. I'm after Derrick's signatures.

"How's the thing between you and your husband going?"

Nawala ang ngiti sa labi ko. D-amn, oo nga pala. Two weeks lang kami mag-i-stay dito sa Pinas, at hanggang ngayon ay hindi ko pa nahaharap si Derrick.

"I'll take care of it, babe. Don't worry..."

He smiled and reached for my hand over my lap. "Tell me if you need help, babe."

"Sure."

Mag-tatatlong taon na rin ang relasyon namin ni Raph at sa paglipas ng mga taon, mas lalo ko siyang nakikila't nagugustuhan. He is a God-fearing and family oriented man and for the past years, he has been so good with my son. Tuwing nakikita ko nga silang magkasama ay napapangiti nalang ako. Nararamdaman kong magiging mabuting ama siya kay Erick.

"We're here."

Napatingin ako sa bintana nang marinig ko yung sinabi ni Raphael. At muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang ma-realize kung nasaan kami naroroon ngayon.

Shit. Of all places...

"Midas bar...?" I mumbled in astonishment.

"Yeah, my Ninong suggested this bar to me. C'mon," lumabas si Raph at pinagbuksan ako ng pinto sa side ko. Wala sa sariling lumabas ako ng kotse at napatulala sa labas ng bar. Apat na taon na ang nakalipas nung huli akong mapadpad dito. It feels nostalgic.

"Lyza, is there anything wrong?" He asked.

Napatingin ako kay Raph at hinawakan ang kaliwang kamay niya. "Raph, please. Not here. Let's go somewhere else."

"Why?" Kumunot ang noo niya.

"I... I just don't like this place."

"Why not?"

"Raph... 'Wag dito."

Tumingin siya sa akin na parang naguguluhan siya. Alam niyang seryoso ako kapag nagtatagalog na ako. He knows how to speak in Filipino but not too well.

"We're here already. I've got a reservation for the both of us," sabi niya bago niya ako hinila palapit sa entrance ng bar.

Damnit! Hindi ako pwede dito. Okay, inaamin ko. Ayokong pumunta dito dahil kay Derrick. Hindi naman sa pinagtataguan ko pa rin siya hanggang ngayon pero hindi mabuting magkita kami sa ganitong sitwasyon.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon