[36] Unexpected

144K 3.7K 600
                                    

[36] UNEXPECTED


LYZA'S POV

Kanina pa ako palakad-lakad ng pari't-parito sa hotel suite ko. Damn it, for the nth time, nawala na naman si Erick. Simula nang pumasok siya sa school sa Prague ay ganyan na siya. Like what he said to me, he loves adventures. Idol nga raw niya si Tom Sawyer, e. That's not a bad thing though. Ibig sabihin lang nun ay malakas ang loob ng anak ko, but at a very young age? Hell no! Napahawak ako sa batok ko at napasalampak sa couch. Naku, tumataas na yata ang BP ko sa anak ko.

Nung marinig ko na bumukas ang pinto sa bandang likuran ko ay agad akong napatingin dun. Napatayo agad ako nang makita ko si Errick na karga-karga ni Luna, ang kanyang nanny.

"Mom!"

Binaba siya ni Luna sa sahig at agad na lumapit sa akin. Umupo ako para lumevel sa height niya. "Erick, lagi mo nalang ako pinag-aalala? Kailan ka ba titino, baby?" I tried to sound so sweet eventhough I'm mad. Ayaw na ayaw ko pa namang pinapagalitan ang anak ko dahil mahirap siyang patahanin kapag umiiyak siya and what's worse is nagkukulong siya sa kwarto at hindi ako papansinin.

"Ma, Yaya Luna left me. It's her fault," sumbong niya habang nakaturo kay Luna. Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko ang pag-iling niya.

"Luna, ano bang nangyari?"

Napakagat siya sa ibabang labi niya. Halatang kinakabahan. May tiwala ako kay Luna. Simula nung tumira ako sa Prague, siya na ang naging kahalili ko sa pagbabantay kay Erick. She's been a big help most especially whenever I'm at work.

"Ate Lyza, ano kasi eh... Nagsabi sa akin si Erick na iihi raw siya. Sabi ko sa kanya sasamahan ko siya, pero ayaw niya raw sa girl's restroom."

Napatingin ako kay Erick. Nakanguso lang siya habang may nilalarong maliit na laruan na hawak niya. "Mom, I'm a boy that's why. It's a shame for me to go to the girl's restroom now that I'm a big boy."

Napabuntong-hininga nalang ako sa sagot ng anak ko. "But Erick, you still need your Yaya all the time. Nasa Pilipinas na tayo e. Hindi mo kabisado dito."

He pouted and slumped himself on the couch. Tinabihan ko naman siya. Here we go again. Ayaw na ayaw talaga niyang napapagalitan. Saan kaya niya namana ang ugaling ito?

"Ate Lyza," tawag sa akin ni Luna kaya tinignan ko siya. "Uh... Hinayaan ko siyang mag-CR mag-isa sa male's restroom. Hinintay ko talaga siya sa labas, pero ewan ko ba kung bakit hindi ko siya nakitang lumabas," huminto siya at huminga ng malalim, "Thanks to the guy who helped him. Mabuti nalang ay nakatapat siya ng mabait."

Niyakap ko si Erick sa sinabi ni Luna. Tsk. Thank God, then. I can't afford to lose my son. He's my inspiration in everything I do. If I lose him, oh God, my life will be shattered.

"Erick, please don't make me worried again." Hinalikan ko ang ulo niya pagkatapos ay ipinasandal ko siya sa balikat ko. Muli kong tinignan si Luna. "Sino nga palang tumulong sa kanya? Nagpasalamat ka ba?"

"Ate, 'di ko na natanong e. Nataranta kasi ako. Hindi ko rin alam kung paano ko siya sa pasasalamatan. Gusto ko sana siyang ilibre ng lunch kaso mukhang mayaman eh. Hindi niya na siguro kailangan yun. Pasensya na ulit."

"Forget it. Bantayan mo nalang ng mabuti si Erick sa susunod. Saang mall nga pala kayo nagpunta?"

Napa-'oh' ako nang maramdaman ko ang malalalim na paghinga ni Erick sa balikat ko. He fell asleep. He must be so tired.

"Sa M Mall po..."

Naputol sandali ang pagtitig ko kay Erick nang marinig ko ang sagot ni Luna. Sh-it.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon