[41] Playmates

185K 4.6K 1K
                                    

[41] PLAYMATES


LYZA'S POV

Kahit na pagod na pagod na ako ay pinilit ko pa rin ang sarili kong bumalik sa hotel kung saan kami nag-check in ni Erick. Tinext ko si Raph na makipagkita sa akin sa restaurant sa lobby ng hotel. I will not make this any longer. Nakapagdesisyon na ako. Sigurado na ako kay Derrick.

"I'm sorry for being late."

Napaayos ako ng upo nung dumating na siya. Hindi ako nagpakita ng kung anumang expression sa kanya nang humilig siya para halikan ako sa pisngi. Siguro nga pagkagusto lang ang nararamdaman ko sa kanya. I like him but not as much as I like Derrick. Nabulag lang siguro ako sa ideya na si Raph yung laging nandyan sa tabi ko nung mga panahong nag-iisa ako. Siya ang tumulong sa akin para makapasok ako sa trabaho. I have owed him a lot.

"Where's Erick, by the way?"

"He's with his dad."

Nag-iba bigla ang expression sa mukha niya. He suddenly turned serious but he managed a small smile anyway. "Oh, I see. Anyway, what do you wanna eat?"

Binuklat niya ang menu na nasa harapan niya at naghanap ng oorderin. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya, bumubwelo kung pa'no ko sasabihin sa kanya ang gusto kong sabihin.

From the menu, his eyes switched to me. "What's yours?"

I took few deep breaths as I stared at his blue set of eyes. Oh, God, Lyza. You can do it. Diyan ka naman magaling diba? Ang manakit ng tao.

"Raph, I am sorry." Yun nalang ang nasabi ko bago ko hinubad ang silver ring na nakasuot sa ring finger ko at nilagay iyon sa mesa sa harapan niya.

Literal na napaawang ang bibig niya sa gulat. Hindi ako kumurap. Diretso lang akong nakatitig sa mga mata niya.

"Lyza, what do you mean by this?" pabulong na tanong niya.

"I want to call off the engagement."

"What?" he asked as shock registered his face. Umiling-iling siya at uminom sa baso ng tubig niya. "What made you change your mind, babe? Tell me."

Napakagat nalang ako sa ibabang labi. Hindi kita mahal, Raph. Dahil sa utang na loob kaya lang kita nagustuhan. Gusto ko yung sabihin pero hindi ko magawa. I don't want to hurt him. He doesn't deserve to be hurt after all.

"I made an impulsive decision," bumuntong-hininga ako at umiling. "I'm sorry but I can't marry you."

Umupo siya ng maayos at tumingin sa ibang direksyon. He must be thinking deeply. May lumapit na sa amin na waiter pero sinenyasan ko siya na mamaya nalang niya kami asikasuhin. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng tapusin ang gabing ito para sa amin ni Raph.

I wanna go home to where I truly belong.

Ilang sandali lang ay tumingin na siya sa akin. I could sense how sad he is through his eyes. "Yeah, I understand. But..." ipinatong niya ang kaliwang palad niya sa singsing at itinulak iyon pabalik sa akin. "I want you to think it over, Lyza. Think again. I'll wait for your answer."

Damn it! Hindi niya ako maintindihan.

"Raph, I've already decided. I want to break up with you and start a new life with my true family and that is with Derrick," I said honestly and got on my feet. Napatulala siya sa akin pero hindi ko na yun concern. "Thank you but I'm sorry. We won't go back to Prague with you, Raph. Goodbye."

"Lyza... Please, don't do this to me. You know how much I love you, don't you?" He reached for my hand as he pleaded.

Matigas akong umiling at hinila ang kamay ko sa kanya. Sa pag-alis ko, narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero 'di ko na siya nilingon pa.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon