[6] Grounded

228K 4.9K 157
                                    

[6] GROUNDED

DERRICK'S POV

Pagkagaling sa Police Station, dumiretso na kami sa bahay ng parents ko. Ito namang si Lyza, isinama din nila Mama. Nakakaleche talaga 'tong araw na ito. Bakit ang tagal matapos ng araw na ito? Ni hindi pa nga ako nakakakain ng miryenda o dinner, pero busog na ako sa sermon nila.

"After the prenatal paternity test at kapag napatunayang si Derrick ang ama ng dinadala mo, Miss Santiago, sisiguraduhin kong maikakasal kayo."

"Okay po..."

At isa pa sa kinabubwisit ko, kailangan pa naming maghintay ng 7 weeks para i-run yung test sa baby niya. WHAT THE HELL! Hindi ba pwedeng bukas nalang?? Excited na akong malaman na hindi ako yung ama nyan eh.

"Derrick, nakikinig ka ba? Puro ka cellphone dyan!"

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago ko binalingan sila Mama at Papa. Masama na bang magcheck ng e-mail?

"Ma, tapos na ba ang hearing? Uuwi na ako. Nagugutom na ako."

"No," kasabay nun ay ang pagtagis ng mga bagang ni Papa. "You're staying. You're not going anywhere, Derrick."

Kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin ni Papa dun?

"I don't care even you're already 22."

So? Ano naman kung 22 na ako? Tamo 'to si Papa. Pati edad ko pinapakielaman.

"—Pinafreeze ko ang lahat ng cards mo."

Muntikan ko nang maibagsak ang phone ko sa sinabi ng Heneral ng buhay ko. Langya! Hindi nga? Pinafreeze? Paano ako mabubuhay nito?

"Papa, bakit naman—"

"Shut up!" putol niya sa akin.

Iniyuko ko nalang ang ulo ko sa pagtaas niya ng boses sa akin. Fuck! Kaya ayoko dito sa bahay eh. Stress na nga ako sa kanila, stress pa sila sa akin. Vice versa lang.

"And I want you to close your bar until we see the paternity test result."

Sa pagkakataong ito, napatayo na ako. Hindi tama ito. Pinafreeze na nga ang mga cards ko, pati ba naman yung bar ko, papakielaman nila? Saan ako kukuha ng pera nito?

"Papa, okay na dun sa pag-freeze niyo ng ATM cards ko eh. Pero pati ba naman yung Midas bar? Paano naman yung mga empleyado ko du'n? Mawawalan sila ng trabaho. At isa pa, sa pagkakaalam ko, mula sa sarili kong sikap nagmula yun kaya ako dapat ang magdedesisyon para sa sarili kong negosyo."

Yung Midas Bar? Pinaghirapan ko para makuha yun. Ipinatalo lang naman yun ng dating may-ari sa underground fight. Tanga eh. Sa lahat ng ipupusta niyang property, eh yun pa. Eh ano siya ngayon? Olats.

"That's our decision, Derrick," tumayo si Mama at tinignan ako ng matalim sa mga mata. Kapag ganyan yan, alam kong naabot ko na yung boiling point ng anger niya. "Kapag hindi namin ginawa yun, malamang, baka madagdagan pa ang mga babaeng ikakama mo. Ayokong magkaroon ng apo sa labas. Don't worry, anumang resulta ng test, ibabalik namin sa dati ang lahat ng kinuha namin sa'yo. For now, you have to stay here at home. You're grounded."

***

Grounded.

Yung salitang yun ang nagpawasak sa araw ko ngayon. GROUNDED?!? Ano ako, highschool?! Sa loob ng 7 weeks, dito lang ako mananatili sa bahay? Eh parang kinulong na rin nila ako eh!

"Fucking shit talaga! Malas! Malas! Malas! Malas!"

Kanina pa ako nagmukmok sa garden namin. Dito ko naisipang dumiretso nung nagyaya na silang kumain ng dinner. Sa tinagal-tagal na hindi ko pagdalaw dito, hindi ko namalayan na may ganitong klaseng garden na pala kami. May fountain, artificial pond, at syempre, hindi mawawala ang mga halaman. Kaya nga garden eh.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon