[38] Finally

155K 3.9K 559
                                    

[38] FINALLY


DERRICK'S POV

"Erick, I missed you..."

Marahan akong itinulak ni Erick palayo. Marahil sa pagkabigla. Una kong tinignan ang mga inosente niyang mata. Sht. Anak ko pala ang batang ito. kaya pala hindi ko siya maalis sa isip ko simula nung makita ko siya.

"Ang... laki mo na," sabi ko at dinampian siya ng mabilis na halik sa noo. "You're so cute. W-wow."

Humakbang siya paatras pagkasabi nun, at tuluyang yumakap sa hita ni Lyza at nagtago. Parang natakot ko yata siya. Wrong move. 

"Mom, let's go..."

Natigilan ako nang mapansin kong natatakot na siya sa akin. Tinignan ko si Lyza. Nakatingin lang siya sa akin na parang bang nag-aalinlangan siya.

"Ipakilala mo naman ako, Lyza," seryosong sabi ko.

Napakagat siya sa ibabang-labi at lumuhod sa tabi ni Erick. "Baby... Uhm... Ah..."

"What, Mom?"

Kumamot na ako sa ulo ko at hahawakan sana si Erick kaso lumayo siya sa akin. Naku naman! 'Wag kang matakot sa akin.

"Erick, I'm your..." Shit. 'Ge, ngayon ka pa kabahan, Derrick. Mukha kang tanga.

"You're my what?"

Para akong naputulan ng dila. Kinakain ako ng kaba sa harapan ng anak ko. Simple lang naman ang sasabihin eh. 'I'm your dad, Erick.' Pero hindi ko masabi! Leche naman oh!

"Dude, do you know my mom?" Tanong niya sa akin bago niya binalingan si Lyza. "Mom, he's the dude who helped me the last time I got lost."

Buong gulat akong tinignan ni Lyza. "Ikaw?"

"H...hindi ko alam na siya yun," sagot ko.

"Tsk," umismid siya at niyakap si Erick saglit. "Erick, I'd want you to meet your Dad."

"Dad? Who?" Tinignan ako ni Erick saglit bago ibinalik na naman kay Lyza ang tingin. "I thought my Dad is in hell now. You told me, right?"

What the hell? Sinamaan ko ng tingin si Lyza habang kinakarga ko si Erick. "Kung ano-anong tinuturo mo sa bata. Ano'ng tingin mo sa akin? Patay na?"

"Isang beses ko lang yun nasabi. Hindi ko naman alam na matatandaan niya," mataray na sagot niya at binulungan ang Yaya ni Erick.

Binalingan ko naman ang anak ko na nakatitig lang sa akin. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya. "Anak pala kita?"

"You're my dad?"

Nagkatitigan kami. Anak ng! Kaya pala pamilyar ang mga singkit niyang mata. Eh nagmana ba naman sa akin ng kagwapuhan eh!

"Are you doubting this face, Erick? We look alike, aren't we?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Umiling naman siya ng sunod-sunod. "Oh, 'di ka naniniwala sa akin?"

"Did you come from hell?"

"Uhh..." Takte. Pa'no ko ba mapapaliwanag sa kanya na galit lang sa akin ang Mommy niya kaya niya nasabi yun? "Forget about it. Basta, daddy mo ako."

"No, you're the dude," nagpupumiglas siya kaya ibinaba ko siya. Lumapit naman siya kay Lyza. Ugh, ayaw maniwala ng anak ko na ako ang tatay niya. Mas mahirap 'to kesa sa matagal na panahong paghihintay sa kanila.

Lumapit sa akin si Lyza habang hawak-hawak ang kamay ni Erick. Kung wala lang ang anak ko dito, malamang nasermunan ko na ang nanay niya.

"Hayaan mo muna siyang mag-adjust, Derrick. Hindi lang siya sanay."

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon