[11] Temptation

218K 4.7K 174
                                    

[11] TEMPTATION


LYZA'S POV

"Ayos ka lang?"

Tumango ako bilang pagsagot. He kept on asking me that same damn question. Nakakairita yung pagka-concern niya. 

Hinigpitan niya ang kapit niya sa kamay ko at hinila na ako palabas ng airport. We're back in Manila after 3 days. Umalis ako ng bansa ng single, umuwi naman ako ng married. What a life, Lyza!

"Saan tayo uuwi? Sa bahay namin?" I asked while we're waiting for a cab in the lane.

"No, sa bahay muna namin."

My brow creased. "No way!"

"Dun muna tayo," nakatitig lang siya sa akin, sabay ngiti na naman. Bwisit. "Takot ka sa parents ko?"

"Ha-ha-ha!" I faked a laugh. "Paki ko sa parents mo? Hindi lang ako sanay sa kanila. Ang parents ko kasi, mahal ako. Eh ikaw? I supposed not."

Natawa siya. "Edi ikaw na ang lovable."

Aangal pa sana ako pero may huminto ng cab sa harapan namin. Pinasakay agad ako ni Derrick, at sumunod na rin siya. Wala na akong nagawa dahil sinabi niya na ang address ng bahay nila sa driver. Nakakabadtrip tuloy.

"Lyza, magpakasweet ka sa akin, ha?"

Hinawakan niya ang kamay ko pero pinalo ko yun. Shit naman, Derrick. Ba't ka ba kasi clingy??

"Sweet? Para masabi ng Mama mo na—"

He cut me off with that vexing grin of his. "Promise, maging mabait ka lang sa'kin, bibigyan kita ng premyo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ako, bata?!"

"Ibibigay ko kahit anumang gustuhin mo. 'Yun ay kung may gusto ka pa bukod sa akin. Mukhang wala ka ng hihilingan pa, e. Sa akin pa lang, jackpot ka na."

At dun na siya natawa... Duet pa sila sa pagtawa ng taxi driver. Seriously? Kaya ayokong sumakay sa mga ganito. Minsan chismoso ang driver eh. 

"Ang kapal ng mukha mo, ano po?"

Natawa na naman siya. Sumisingkit tuloy lalo ang mga mata niya. Nakakairita! "Ano? May gusto ka ba? Cash o kahit ano... Ibibigay ko sa'yo. Maging mabait ka lang sa akin."

I rolled my eyes inwards. "Thank you but no. May pera ako."

He smirked at me. "Sus, Lyza. Asawa na kita. Tingin mo, susustentuhan ka pa ng mga magulang mo? Aasa ka nalang sa akin. Ayaw mo nu'n? Ini-spoiled ka ng asawa mo?"

Geez... Why the hell did I marry this annoying guy?!?

Pagdating sa bahay nila, sinalubong agad kami ng mga natatarantang maids nila. Kanya-kanya silang kuha ng mga suitcase namin. Hawak-hawak lang ni Derrick ang kamay ko paakyat ng staircase nila. I even heard him telling one of the maids, "Manang, pakisabi kina Mama, nandito na kami ng asawa ko!"

Kaya ayun, pagkapasok namin ng kwarto niya, hinampas ko na agad siya.

"Ow! Bakit na naman?"

"Nakakairita ka na po, ano? Puro ka asawa. Nakakainis pakinggan!"

Umiling nalang siya at natawa. He even took off his shirt infront of me, so I managed to look up his face. Bastos talaga ang lalaking ito!

"Nakakatuwa nga, e. Masaya pala yung gano'n?" He chuckled and moved closer to me. Nagulat ako nang hawakan niya ang laylayan ng shirt ko.

"What're you doing??"

He winked to me. "Take it off. Sabay tayo magbabad sa bath tub," and then he continued taking my shirt upwards. Pinigilan ko naman siya.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon