[12] My Wife is Pregnant

218K 4.6K 272
                                    

[12] MY WIFE IS PREGNANT


LYZA'S POV


Ang bilis ng araw. Ni hindi ko man lang namalayan na 1 month na rin ang nakalipas simula nang tumira kami ni Derrick sa bahay ng parents niya. I swear, it'd be more fun if we stay at my place. At least dun, I can move freely without getting conscious. Unlike dito na ang pino ng bawat galaw ko. Heck! Nakakahiya naman sa parents ng asawa kuno ko. Okay, I'm a bit used to the word 'asawa'. One month na ba naman akong natutulig sa word na yan galing kay Derrick. 

"...And here's Derrick celebrating his 2nd birthday. I'm going to tell you a secret but promise me not to tell my son about this, okay?" Mom said while scanning on Derrick's baby photos. No wonder, cute naman talaga siya eversince he came out of the world.

"Ano po yun, Mama?"

And obviously, Derrick's mom and I are so close. Soooooo close that she doesn't want me to get aggraviated by her son. Isn't that fair in my part? 

"Baka naman alam mo na ang tungkol dito, Angel?"

Angel, that's what Mom calls me. Ewan ko ba. Since that day she told me that I looked like an angel, she started to call me that way. So, yeah, I'm flattered of course. Who wouldn't?

"Ano po ba yun?"

"Come a little closer," sinenyasan niya ako na umusog ako ng kaunti sa tabi niya kaya ginawa ko yun. "Si Derrick... may nunal sa... you know where."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. Huh? May nunal siya dun?

"Talaga po??" I laughed out loud. Seriously, meron talaga?

Tumango-tango naman si Mama. "Yeah, hindi mo ba nakita?"

That made me stop for awhile. Nag-init bigla ang mukha ko sa tanong niya. Heck, how would I? Kailangan ko bang tignan ang parteng yun? 

"Mama naman..."

"Ikaw talaga. Mukha ka talagang angel. Sweet and innocent," sabay yakap niya pa sa akin. If only you knew, Mom. "Oo nga pala, yung promise ha? Kami lang ng Papa niya ang nakakaalam nu'n. Palibhasa, nasa pinakasulok nakapwesto yung nunal eh," and then she giggled. "Mana yun sa tatay niya. Yun na rin siguro ang dahilan kung ba't yan babaero."

Napangiwi nalang ako. Teka, bakit ba kami napunta sa usapang ito? Gross.

"'Yaan mo na po. Hindi naman ako selosa." Okay, why did I say that? Hindi naman talaga ako magseselos dahil wala naman akong pakialam sa kanya. And as if, may feelings ako sa kanya. Hell none!

"Wow, naka-jackpot nga sayo si Derrick. Swerte ko, naging daughter-in-law kita."

"LYZAAAA!"

Agad kaming napatingin sa taas ng hagdan. Here goes lazy ass. Tanghaling tapat na pero nakakulong lang sa kwarto niya.

"What?"

Kinusot-kusot niya ang mata niya, sabay pinagkunutan ako ng noo. "Tara dito, Lyza! Mama, akala ko ba aalis ka ngayong araw? Ba't 'di ka pa po umaalis?"

Tignan mo 'to, ang rude sa Mama niya. Baby, 'wag kang gagaya sa tatay mo.

"Ay, oo nga pala. Thanks for reminding me," tumayo na si Mama at tinignan ako. "Aalis pala ako. Masyadong akong nag-enjoy sa conversation natin. Next time ulit, ha?"

"Sige po," I beamed.

"Lyza, tara na! Sumunod ka na sa kwarto!" At kasunod nun ay ang pagkawala niya sa paningin namin at ang pagsarado ng pinto ng kwarto.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon