[42] Out Of Town

174K 4.2K 167
                                    

[42] OUT OF TOWN


LYZA'S POV

"So... How was your day, Erick?" tanong ko sa kanya habang binibihisan siya ng damit-pantulog.

Ngumiti siya nang malawak dahilan para sumingkit pa lalo ang mga singit niyang mga mata. "It was fun, Mom. But I hate one of playmates!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Derrick sa likod ko, kaya nilingon ko siya. He was seated comfortably on the couch while looking at us. I raised a brow on him.

"What?" nagtataka niyang tanong. Siguro dahil tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Tatawa-tawa ka dyan? Siguro may ginawa kayong kalokohan ni Erick, no'?"

Ngumisi siya at lumipat sa kama. Tinabihan niya si Erick sa paghiga kaya binalingan ko sila. "Wala naman kaming ginawang kalokohan. 'Di ba, Erick?" Tumango naman si Erick sa kanya. Naku, magkasundong-magkasundo talaga sila ah. "Natawa lang ako sa nangyari kanina. Ito kasing si Erick, hinalikan niya si Claine."

"Claine?" Who's Claine? I have never heard of that name.

"Si Claine. Yung anak ng tropa kong si Dustin," sagot niya kaya napatango nalang ako. I knew Dustin very well since we were in highschool... that cold-hearted guy.

"Yeah, mom, and guess what? She slapped me. That girl!" gigil na sambit ni Erick kaya natawa nalang ako. Mahilig talaga kasing manghalik si Erick. Kahit nung nasa Prague pa kami, ganyan na siya. He's just being sweet.

"Erick, you should not kiss cute girls all the time. Ayan tuloy, natapatan mo yung si Claine na conservative yata."

"But dude, he's not that cute. I kissed her only because he was my wife."

My eyes rounded in surprise. Like wow, did I just hear the word 'wife'?

"Anong wife?" umupo ako sa left side niya. Bale, pinagitnaan na namin siya ni Derrick. "Did I hear you right?"

He pouted his thin lips. "Yes, Mom. Those two girls forced me to play role playing with them."

Now, I get it. Dalawang babae pala ang playmates niya kanina. Humiga na rin ako sa tabi niya at naki-share na rin ng kumot sa kanila. I wanna sleep now. Nakakapagod.

"Ikaw, Lyza. Kamusta ang araw mo?" boses ni Derrick.

Pagtingin ko, naabutan ko siyang nakatingin din sa akin. "It has been a long day for me. Kahit na civil wedding lang yung kasal nina JV at Jena, marami pa rin kaming ginawa."

At idagdag na rin ang pagtadtad ng tawag at sms ni Raph sa cellphone ko. Alam ko namang hindi niya agad matatanggap na nakipagbreak na ako sa kanya pero malapit na akong mapikon sa non-stop fuckery niya!

He nodded his head slowly and stared at the ceiling. Sinilip ko naman si Erick sa gitna namin na ngayon ay nakadantay ang hita sa bewang ko. He seemed so tired.

"Hindi ba nakaistorbo si Erick sa office mo?" I asked.

"No, he didn't. Sa katunayan, tahimik lang siya dun sa office. Nag-aalala nga ako na baka nabo-bore na siya, kaya dinala ko siya kina Arthur."

Arthur, the brainiac friend of his. May mga anak na rin pala ang mga kaibigan niya. I thought he's the only one who's having a family amongst his friends.

"Baka naman pinabayaan mo si Erick na maglaro nang maglaro. Kapag natuyuan pa naman siya ng pawis sa likod, mabilis siyang magkaubo."

Inaantok na ako pero bakit gusto ko pa siyang kausapin? Kahit non-sense questions ay itinatanong ko pa sa kanya. 

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon