[29] Suspicious Husband

155K 3.7K 187
                                    

[29] SUSPICIOUS HUSBAND


LYZA'S POV

"Jena, ano ba ang kadalasan na sign kapag pinagtataksilan ka ng partner mo?"

Napatigil si Jena sa pag-inom ng juice niya at tinignan ako ng takang-taka. I asked her to come over para may makausap ako ngayong araw. Habang patagal ng patagal, naiinip na ako sa unit ni Derrick. Bored in a way that I'm too excited to give birth. Yun nalang kasi ang nasa isip ko lately since anytime of the week ay manganganak na ako. I wanted to distract myself from thinking too much.

"Bakit? Nagtataksil ba si Derrick sa'yo?"

Napangisi nalang ako at tumingin sa harapan. Veranda is my favorite part of the unit, so I always sit here even without Derrick. "Basta. Sagutin mo nalang ang tanong ko."

"Never pa naman akong napagtaksilan before. Pero ayon sa mga napapanuod kong movie and tv shows about cheating, unang sign dyan ang pagiging sobrang sweet ng partner mo sa'yo. I mean to say, guilty siya kaya dinadaan niya sa paglalambing... Or maybe, kaya siya naglalambing para you know, ma-cover up yung nagawa niyang pagtataksil."

Napaisip ako sa sinabi ni Jena. Kung paglalambing lang ang pag-uusapan, oo, sumobra nga ang pagkasweet ngayon ni Derrick. Medyo nagiging OA na nga kung minsan. Kapag natutulog nga kami, ayaw niya akong bitawan sa pagkakayakap niya.

"What else?" I asked more.

"Hmmm," she paused and placed a finger on her chin, seemed to be thinking. "Kapag hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata mo. Sign number 2 na yan na may tinatago siya sa'yo."

Napalabi ako sa sinabi niya. Wait, I've never tried that one. Maybe later.

"Ano pa?"

"Yung cellphone niya. Ayaw niya bang ipahawak sa'yo?"

Dun na ako napaikot ng mata. Dalawa ang phone niya. One's for business, and the other one's for I-don't-know. Mahirap yatang hanapan ng sign #3 sa kanya.

"Yun lang ba?" Tanong ko pa.

Tinignan niya naman ako na para bang nawiwirduhan siya sa akin. "Lyza, tell me. Are you having doubts on Derrick?"

Nag-shrug lang ako at uminom ng kaunti sa juice ko. Hinaplos ko muna ang tiyan ko, pagkatapos ay nag-isip ng tamang salita para i-explain kay Jena kung ano ang gumugulo sa isip ko simula nung makita ko si Alyanna na lumabas galing sa office ni Derrick 2 weeks ago.

"Jena, you know I wasn't born martyr. If I feel that I'm being aggraviated, then I should make a move for them to get lost, right?"

Nakatitig lang siya sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata. "Lyza, ano ka—"

"Shut up," I grinned, showing her I'm sure of what I'm saying. "I don't want to conclude or anything. But I can sense that there's something going on with Derrick. Could you help me with this, Jena?"

"Paano?"

I felt my lips dried up, so I had to run my tongue on it to moisten it up. "Well, help me spy him for one day."

"What? Anytime of the week, manganganak ka na. Pa'no kung na-timing na naglelabor ka na pala habang sinusundan natin ang asawa mo?!"

I smiled assuringly to him. "Makikisama ang baby ko, Jena. Hindi pa ako manganganak. Trust me."

Napahinto kaming dalawa nung marinig namin mula dito sa veranda ang pagbukas ng pinto sa sala. Napatingin sa akin si Jena, at binulungan ako na nandyan na ang asawa ko. And she's right.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon