[1] Heartbroken

399K 6.8K 627
                                    

[1] HEART BROKEN


DERRICK'S POV


Here goes that clinking noise of the wine glasses again. Nakakairita. Paulit-ulit. Hahalik na naman sa isa't-isa ang newly wed. 

Umiwas nalang ako ng tingin sa bagong kasal na sina Mizuka at Liam. Naka-jackpot talaga si Liam kay Mizuka, e. Maganda na, mabait na, masayang kasama at higit sa lahat ang sarap-sarap pang titigan. Exceptional siya sa mga babaeng dumadaan sa katawan ko— este sa buhay ko. Para sa akin, isa si Mizuka sa extraordinary na babae sa buong mundo.

Siguro nga masokista ako para tanggapin papel ng pagiging best man sa kasal ng babaeng kinahumalingan ko noon. Okay lang. It is not yet the end of the world. Hindi lang talaga siguro para sa akin si Mizuka at paniguradong may ibang babaeng nakalaan para sa akin. 

Habang nagkakasiyahan ang lahat ay tumayo na ako at umalis sa venue. Iniinggit ko lang ang sarili ko. Balang araw, mararanasan ko rin itong kasal at ang ting ting ting na 'yan sa reception. At kapag nangyari yun, sinisigurado ko na ang bride-to-be ko ay ang ideal girl ko— angelic, cute, preppy, innocent, nice and sweet.

Damn, I feel like going to a bar. I want to drown myself in alcohol so I could forget this day. 

Best wishes Mr. and Mrs. Takahashi...


"Calling all bachelors out there. Please proceed upfront."

I was about to get out of that place when somebody pulled me infront. Pagkatingin ko, si Shichi pala, ang bestfriend ng groom. Nagpupumiglas ako pero hindi niya ako pinansin. Ayokong gumawa ng eksena rito kaya nagpatangay nalang ako. Inangyan! Bat ako kasali dito? Alam kong isa akong gwapong bachelor pero takteng 'yan! Hindi ako naniniwala sa ganitong tradition na kung sino ang makakasalo ng garter ay siyang susunod na ikakasal. Kalokohan! 

"Ayokong sumali!" pabulong kong asik sa kanya, pero nginitian lang ako ng gago at tinapik ang balikat ko. Kung eestimahin ko, higit sa sampung mga binata ang kasama ko ngayon sa flatform.

Narinig ko silang bumilang kaya tumingin ako sa harapan.

"..4!"

Ang bagal magbilang. Naiinip na ako. 

"..3!...2!...1!"

Parang slow-mo sa pelikula. Hindi naman ako nakipag-agawan sa kanila sa pesteng garter na ito, pero bakit sa balikat ko pa ito kusang nag-landing?

"Fuck..." 

Nagpalakpakan naman ang mga guests nang itapat na sa akin ang spotlight. Yung iba, nagtitilian pa. Mukha nila. Isa lang naman itong malaking kalokohan.

"Congrats, Kuya! Ikaw ang susunod."

Tinignan ko lang nang masama si Liam nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Siya naman, patawa-tawa lang katabi ni Mizuka. Edi sila na ang masaya.

Lumapit sa akin ang emcee at bumulong. "Sir, lapit na po kayo sa nakasalo ng bouquet," sabay tingin niya sa bandang harapan at kung posibleng lumuwa ang mata sa gulat ay baka gumugulong na ito ngayon sa sahig.

The heck. Of all girls, why Lyza?

"Pwede bang ipasa nalang sa iba? Hindi ko naman deserve 'to," bulong ko sa emcee at pilit na ibinibigay sa kanya ang garter.

"Hindi po pwede, Sir. Huwag na po kayong KJ," tinulak pa niya ako hanggang sa makalapit sa pwesto ni Lyza. Nakaupo na siya sa upuan habang nakataas pa ang kilay sa akin. Problema nito?

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon