[14] Reminiscing

220K 4.2K 382
                                    

[14] REMINISCING 


LYZA'S POV


"Oy! Ano'ng ginagawa mo dyan? Ba't mo tinatanggal 'yang frame?"

I rolled my eyes and continued what I am doing. "Tatanggalin ko na."

"Bakit nga?" Nakalapit na siya sa akin. I'm really pissed off. Kagabi niya pa ako inaasar tungkol sa pesteng frame na ito! 

"May ilalagay akong bago," sagot ko at pinagpatuloy ang pagtanggal ko dito. Ba't ang hirap naman nitong tanggalin? 

Natigilan ako nang yakapin ako mula sa likuran ni Derrick. "'Wag na, baby. Hayaan mo na 'yan dyan."

Can somebody stop me? Kaunti nalang, sasapakin ko na 'tong lalaking ito.

"Get off," I hissed while struggling in his embrace. Kaso mas lalo lang niyang hinigpitan. "Derrick, bingi ka ba? Bitaw."

"'Wag mo na kasing tanggalin. Ayos ah, nung nagkasolian pala tayo ng gamit nu'n, trineasure mo pala 'yang couple shirt natin."

Nag-init bigla ang buong mukha ko. Hindi dahil sa kilig kundi sa pagkapahiya. Bakit ko ba kasi pina-frame pa ang pesteng couple shirts na ito?

"Derrick, 'wag kang feeling ah! Ang cute lang kasing tignan," sabi ko nalang.

"Tss. Kunwari ka pa—"

"Hindi ako nagkukunwari!"

At dun na siya natawa. Mas lalong nanigas ang katawan ko nang ipatong niya ang chin niya sa balikat ko. My goodness gracious. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko.

"Pwede pa naman nating ibalik yung dati 'di ba?" bulong niya na lalong nagpakabog sa dibdib ko.

I breathed deeply. "Yun ay kung kaya mo."

"Aba, syempre kaya ko. Wala kang tiwala sa akin eh."

I glanced at him over my shoulders. Nagtama ang mga paningin namin, at nginitian niya ako. "Mayabang ka. Tignan natin kung kaya mo."

"Kaya ko."

"Asa."

He grinned. "You're challenging me. Kaya ko yan."

"Kaya mong bumalik sa pagiging one woman man? Yung hindi nangbababae?"

He nodded and then swiftly guided me towards the bed. Napangiwi nalang ako nang umupo siya sa kama at pinaupo ako sa lap niya. Ginawa na talaga niya akong manika. 

"Ang gaan mo," he murmured and placed my arm across her shoulders. Bale, pinaakbay niya ako sa kanya. "Kakayanin ko."

"Eh kahapon pa nga lang nahuli na kitang nakikipaglandi-an dun sa interior designer mo."

Natawa nalang siya nang mahina at napailing ng ulo. "Kinakapatid ko yun."

"So?"

"Bawal makipaglandian," tipid niyang sagot.

"Eh hindi naman kayo magkadugo kaya pwede yun!" 

He shook his head abruptly. "Selos ka lang eh."

"Kapal!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Sumusobra na ang kayabangan niya. "Tama ba naman yung magtampisaw ka sa pool na may nanunuod sayo na babaeng mala-pornstar? And to think na nakasuot ka lang ng trunks? Sagutin mo nga ako."

"Tss. Aminin mo na. You were just jealous. Wala namang mawawala kung aamin ka, Lyza."

Tinaasan ko nalang siya ng kilay. Hindi naman sa nagseselos ako. Sadyang nakakainis lang makita ang asawa mo na nakikipaglandi-an sa ibang babae, hindi ba? Selos ba ang tawag du'n?

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon