[43] Inspired

165K 3.7K 254
                                    

[43] INSPIRED


LYZA'S POV

Tuwing naaalala ko yung sinabi ko kay Derrick kahapon, parang pakiramdam ko, lulubog ako sa kahihiyan. Sana hindi niya nagets yung pinaparating ko sa kanya. Sana slow o lasing siya kahapon. Naku naman! Bakit ako pa yung magpopropose ng kasal sa hayup na yun? Dapat siya. 

"Lyza!"

I felt like my heart dropped on the floor upon hearing Derrick's voice. I didn't look back at him nor spoke a word. Pinagpatuloy ko lang ang paghalo ng batter mixture para sa niluluto kong breakfast namin kahit na hindi naman talaga naroon ang focus ko.

"Baby, ano yan?"

Lumunok ako nang maramdaman ko yung presence niya sa gilid ko, kaya yumuko ako at pinagbuti nalang yung ginagawa ko. "W..wala. Pancake lang. Sige na, bumalik ka na sa labas. Magluluto pa ako dito."

"Aba, marunong ka nang magluto?"

I nodded my head as a matter of factly. "Of course. Natuto ako sa Prague kahit papa'no." That's true. Sa Prague, hindi mabuti kung aasa at aasa ka nalang sa restaurants or fastfood chains. Mas maganda kung may alam ka sa pagluluto para maging matipid. That's what I had learned from there.

"Let me help you. Ano bang magagawa ko?"

Inilayo ko sa kanya yung bowl at binuksan na yung stove. "'Wag na. Lumabas ka na dun. Asikasuhin mo nalang si Erick."

"Lyza, kagabi ka pa ganyan. Ano'ng meron?"

Oh my. Nakahalata na siya. Wala namang problema eh. Ako yung may problema. 

Pinilit kong tignan siya sa mga mata, pero sa loob loob ko, pakiramdam ko, nagkakarera ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. "Wala ah! Kung ano-anong napapansin mo. Bumalik ka na nga dun."

"Ang daming nag-aasikaso kay Erick dun. Pinag-aagawan na nga siya ng mga parents natin," nakasimangot na sabi niya saka niya hinawi ang mga buhok na humaharang sa mukha ko. "Lyza..."

"What?" Hingang malalim.

"Yung sinabi mo kahapon..."

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay sumingit na ako. "'Wag mo nang isipin yun! I was just kidding."

"Ha?" nakakunot na ang noo niya. Ngumuwi naman ako. Err... Yun ba ang sasabihin niya? Ang tungkol sa kasal?

Ngumiti siya. "I think you thought wrong. Yung sasabihin ko sana ay yung sabi mong kaya mong bumili ng sariling glass house. May balak sana ako," saka siya ngumisi ng malaki at tinignan ako ng makahulugan. Oh my. "Pero mukhang hindi yun yung sinasabi mo eh. 'Wag kong isipin? Yun ba yung church wedding?"

Napanganga at naningkit nalang ang mga mata ko. Nooooo! For the love of the mankind, don't you dare bring that topic up again!!

"U...uh? What are you talking about?" palusot ko. Damn it.

"Sus, yung church wedding. Napag-isip isip ko na tama ka. Siguro mas maganda kung ikasal ulit tayo sa simbahan." Tumango-tango pa siya habang nakakrus ang mga braso niya sa kanyang dibdib. "Osya sige, tatanggapin ko na ang proposal mo. I will marry you... again."

Double WOAH! ANO RAW?

Nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinigilan ang sarili sa pagngiti. "Gago ka ba? Anong proposal ka dyan?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Mahiya ka nga sa sarili mo. When did I even propose to you, Monteverde?"

Natawa na rin siya. "Kahapon. Oy, 'wag kang magdeny. Saksi ko ang mga ibon at dagat."

Sinapak ko siya sa braso. Kapal ng mukha! "'Wag ka ngang makapal! Wala akong matandaan!"

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon