MBD 36

41 2 0
                                    

Tahimik ang madla. Walang nagpaparamdam sa mga kaibigan ko. Great. Para bang timing na kung kailan gusto ko mapag-isa, hindi nila ako pinapansin.

Mabilis na dumaan ang pagligo, pagbihis, at pagbreakfast ko. Tumawag ako ng taxi patungo sa pupuntahan ko

Bukas ang pintuan ng headquarters pagkababa ko ng taxi. Nagbayad ako, lumabas, at punasok ng hindi nagpapaalam. Madilim sa loob. Para bang wala pang tao.

Pero alam kong nandoon na ang hinihintay ko.

Tumigil ako sa tapat ng isang pintuan. Ang lakas ng tugtog sa loob, para bang nagpaparty. Well, dapat naman talagang ipagbunyi ang mangyayari ngayon. Binuksan ko yung pinto at pumasok sa loob.

Isang malaking banner na may 'Welcome, Rematch!' ang nakasabit sa gitna ng kwarto. Tapos, may pitong upuan na naka-semi circle na ayos sa baba non. Sa pitong upuan, may pitong taong nakaupo. May pumindot sa player ng stop.

"Hello Yana." Tumayo si Ria at kinuha ang kamay ko. Pinaupo niya ako sa gitna nila Marielle at Tricia.

"Bakit nga ba nandito tayo?" Nireklamo ni Tricia. Mukhang wala sa mood.

"Gusto ko lang na mabuo tayo. Finally! Nabuo na ang rematch! Amazing!" Mukhang si Ria lang ang naamaze.

Rematch. Maria Victoria Cabrera. Dominic Enrico Chua. Marielle Borromeo. Alyanna Martinez. Patricia Gonzales. Charlene Chua. Hazel Go. Pitong taong nagkakilala at naging magkakaiabigan. Sa hinaba haba ng panahon, nanatili silang magkakasama.

Sa mabuti at masamang paraan.

"Cut the crap, Ria. What do you want?" Pati 'tong si Marielle, BV. Then again, they never got along. Sabi ko nga dati, kay Tricia close si Ria.

"I want us to have fun." Inosenteng sumagot si Ria. Tumayo siya at may kinuhang mga folder. Isa isa niya kaming binigyan. May pangalan sa harap ng folder namin.

"Walang magsisilipan ng folder!" Pinatay niya yung mga ilaw maliban sa isa.

"We'll start with Tricia." Natutok yung spotlight kay Tricia.

"What the hell."

"Just open the folder, bestfriend." Ria winked. Naliit yung mata ko, pero hindi niya ako pinansin.

"T-ngina, Ria! Ano 'to!" Napatayo si Tricia sa gulat.

"Oh. Nagreact ka." Sabay ngiti.

"Shall I share to everyone what I gave to you?"

"Wa--"

"Hindi niyo ba alam na alam ni Tricia lahat ng sikreto niyo? Parang ako, alam ko ang mga tinatago niyo. At alam ko kung kailan ang tamang panahon para isiwalat lahat ng baho niyo sa mga taong mahal niyo." Lumakad papalapit si Tricia kay Ria, pero bigla siyang napatigil. Tinaasan ni Ria ng kilay si Tricia.

"Ria, wag ngayon." Parang nagmamakaawa si Tricia. Bakit siya nagmamakaawa? Tricia never pleaded.

"Trish, ngayon na, bago pa mahuli ang lahat." Wala nang makapagbabago sa isip ni Ria. Nilapitan ako ni Tricia at tinapik yung balikat ko. Maybe for her comfort.

"Wala naman akong masasabi about Tricia. Sa tingin ko kayo meron, kasi malapit na siyang ikasal."

Napa-'weh' at 'hindi nga' ang mga tao sa kwarto. Unang tumayo si Chai at niyakap si Tricia. Sunod sunod ang naging pagcongratulate kay Tricia. Natawa na lang ako. Syempre, pasok ako sa sikreto. I should have known na pasok din si Ria dito.

"Simula pa lang yan. May susunod pa." Kinlap ni Ria ang kamay niya. Nagsibalikan naman sila sa kanilang mga upuan.

I braced myself, knowing that the next would not be as light as Tricia's secret.

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now