MBD 13

95 2 0
                                    

Late na natapos ang meeting. Hindi nakatulong yung kape para sa nagwawala kong mga alaga. Buti na lang naisipan ni Dominic na magdala ng pagkain, kagaya ng biscuit at muffins. Mabait naman ang chief naming nakisalo pa nga siya sa pagpipicnic namin.

"Grabe. I miss eating." Nasa KFC kami ngayon. Nagmukhang nagsswimming ang kanin at chicken dahil sa dami ng nilagay kong gravy. Sugapa much?

"First time mo kumain? Oh naglilihi ka"  Nabilaukan naman ako dun. Sira talaga tong si Dominic.

"Che. Hindi ako nagbreakfast. Malelate na kasi ako kanina."

"Ano bang ginawa niyo kagabi? " Iba yung tono ng boses niya. Nakita ko yung smirk niya.

"Natulog." Pang-asar kong sagot. Sige na, mahilig na ko mag-green jokes dati. Pero that doesn't mean I'm doing them! I'm innocent, people. Patuloy lang kami sa pagkain.

"So, ano napuntang trabaho sayo para sa reunion?" tanong ni Dominic. Paubos na yung pagkain ko. Time check, 2:00. Isang oras pa.

"Invitations nung una, pero tinext ako kahapon. Sa cotillion na ko ngayon."  Nahulog ni Dominic yung tinidor niya sa plato niya. I looked at him weird.

"Wow!" Kala ko naman kung ano na yung meron. Nagulat rin naman ako eh. Cotillion? Hindi naman ako nag-ganun dati.

"Sige na. Gulat ka pa. Marunong naman ako sumayaw ah"

"Alam ko, okay? Nagulat lang ako." Tas napatawa siya. Kahit medyo off yung sound, hindi ko na pinansin.

"Mauuna na ako. Kunin ko pa yung pinapakuha ni Hazel sa akin." Iniwan ko si Dominic mag-isa.

---

Nasa tapat na ako ng isang mababang building. Kamukha nung sa Powerpuff Girls yung design ng building, pero yung normal type. Ang daming bata na naglalaro. Kita sila mula sa bintana. Binayaran ko yung taxi driver bago bumaba.

"Good morning po." Binati ako nung nagbabantay sa counter. Hindi pa uwian ng mga nasa kindergarten.

"Good morning. Ako yung kaibigan ni Ma'm Hazel mo, si Yana Martinez. Sabi niya sa akin dito ko daw kunin yung gagamitin para sa cotillion?"

"Ay opo. Saglit lang po, kunin ko lang sa back room" Umupo muna ako sa waiting area. Time check, 2:45. Medyo malayo pa yung headquarters dito. Patay pag traffic, mukhang mapapagalitan ako ng kung sino man na magtuturo. Maya maya, nagsimula nang dumating yung mga sundo.

Isa sa mga sumusundo ang nakakuha ng atensyon ko. Familiar kasi mukha niya. Alam ko kasabayan lang namin siya nila Hazel mag-high school. So, tinitigan ko ng maigi yung lalaki.

May dala siyang plain paper bag. Para siyang ninenerbyos. Nakasalamin siya ng medyo round. Parang nagmamadali rin siya, kasi tinatap niya yung counter ng mabilis eh. Biglang lumabas yung babae na nakausap ko kanina.

"Mam Yana, eto na po yung pinapabigay ni Mam Hazel."  Tumayo ako nung tinawag ako ng babae. Napatingin sa akin yung lalaki na may familiar na face. Dali-dali kong kinuha yung paper bag. Nung malapit na ko, parang nagsnap dun sa lalaki kung sino ako.

"Alyanna Martinez?" Tinawag niya ko sa buo kong pangalan.

"Excuse me?"

"Pasabi sa Mam Hazel mo nakalimutan niya." Inabot niya dun sa nakausap ko yung paper bag. Inisip ko ng maigi kung sino yung lalaki. Teka. Salamin, long hair, mala-babaeng mukha.

"Louie Nolasco?"

---

"Yana!" Sigaw ni Hazel mula sa CR. Umalis naman ako mula sa kinatatayuan ko at pinuntahan siya. Nakasimangot siya at mukhang may malalim na iniisip.

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now