MBD 17

64 3 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nagulat si Justine.

Well, hindi lang nagulat. Sobrang nagulat. Para bang nakakita siya ng multo. Para bang nakita niyang may nabuhay na patay.

"Pare, okay ka lang?" Nakahawak sa balikat niya si Dominic. Hindi niyang magawang magalit.

"May alam ka tungkol dito?" umiling lang si Dominic. Ano pa bang ieexpect niya, di ba? Magkakaibigan sila.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Umalis na sila ng dance floor at naglakad pabalik sa dressing room. Nakita ni Dominic si Tricia na papunta sa kabilang direksyon. Good, someone to knock some sense to Yana.

"Justine, please."

"Explain."

"Si Tricia ang may pakana nito. Siya lang ang may alam ng tungkol kay Yana. Pati pagbalik niya at schedule niya." Naglean sa wall si Justine. Maybe it's a lot to take in, pero kailangan niyang malaman.

"Paano?"

"Connections."

"Fine. So, ano na?" Ang nasa isip lang ni Justine ay ang maayos ang gusot na ito. Hiding is not an option. Barkada ang pinag-uusapan dito. And it's his second chance.

Nakita nila si Tricia na kumakatok ng paulit ulit sa isang dressing room. Tinignan niya yung dalawang lalaki at yung pinto.

"Some help?" Binulong niya dun sa dalawa. Lumapit si Dominic para ihagis yung susi. Narinig nila yung pagsigaw ni Yana. Wow, galit.

"Thanks."

"Settle that." Tinignan ni Dominic yung dalawa bago umalis.

XXXXXXXXXXXXXXXXX

Yana's POV

Napatingin ako sa sahig. Pinilit kong isupress yung gulat. Everything seemed impossible. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

"Y-Yana?" Halata ang hindi pagkapaniwala ni Justine. Hindi ko siya sinagot. Kinlench ko yung kamay ko, baka kasi may magawa akong hindi ikatutuwa ng lahat. Bumwelta ako bago tumakbo papalayo. Nahawakan niya ko sa braso.

"Yana." Sinabi niya. Nagpumiglas ako para makaalis sa kinaroroonan ko. Wala akong tinignan at dumiretso sa dressing room.

Pagkapasok ko, hinagis ko agad yung maskara ni Justine sa sulok. Hindi ko macontain yung galit ko. Umupo ako saglit at tinry na kalmahin ang sarili ko. This is impossible. Lahat ng nangyari. The comfort, the revelation, it's too much to handle.

"Yana. Yana buksan mo ang pinto." Kumatok si Tricia. Hindi ko pinansin yung ingay na ginagawa ng kamay niya. Alam mo yung feeling na babalik ang lahat ng minsan ay naramdaman mo? Nandyan yung ipon na galit, frustration, lungkot. Nakakaoverwhelm.

"Alyanna. Open this door!" Sinigaw ni Tricia. Narinig ko yung tunog ng paa ng iba.

"Leave me alone!"

"The hell with it!" Narinig ko ang pagclink ng mga susi. Then yung pagbukas ng pintuan. Akala ko isang battalion ang susugod sa loob ng kwarto, pero isang tao lang ang umupo sa tabi ko.

"Ako lang 'to." Binukas ko ang mga mata ko at nakita si Tricia. Mukha siyang guilty na worried. Naggroan ako. I should have known.

"What's the meaning of that?" Alam naman niya siguro yung ibig kong sabihin.

"We just thought it'll work out."

"Hindi lahat ng bagay, nagwoworkout. Please, stay out of this. This, this high school drama is none of your business." Tumayo ako at kinuha ang handbag ko. Since mag-isa lang akong pumunta dito, walang hassle ang biglaang pag-alis. Papalabas na sana ako, kaso may nakaharang sa daanan.

"Stay please." That alluring voice again. Why do these memories haunt me? Yung mga simpleng usapan. Yung pagiging malumanay ng boses niya.

————————————

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon