MBD 26

58 2 0
                                    

Kakabalik lang ni Justine at Dominic mula sa cafeteria. Late afternoon na noon, at hindi pa sila pwedeng umuwi dahil sa dami ng trabaho na namiss nila.

"So, anong assessment mo sa bakasyon natin?" Palakad sila sa sarili nilang mga kwarto. Habang dumadaan, inaabutan sila ng nurse ng mga files na dapat pang ireview.

"Sobrang saya. Hindi ko ineexpect. May hang-over pa nga rin ako eh." Bumalik sa alaala ni Justine ang mga ginawa nila doon. Lahat lahat.

Lalo na ng pagbati nila ni Yana.

"Pumapalakpak na nga yang--" Napatahimik si Dominic. Napailing siya at napashake ng ulo. Napansin ito ni Justine.

"Anong--" Pagkatingin niya sa pintuan, nagpalit ang expression niya mula sa pagkatuwa sa gulat at inis.

"Hello boys." Ang nasabing babae ay yumakap sa kanilang dalawa. Pareho silang nagulat.

"Ria." Si Dominic ang unang nakarecover.

"Hey Dom." Hinawakan ni Ria yung cheek ni Dominic.

"Kamusta na?" Ngumiti lang si Ria. Si Justine, para bang nakakita ng multo.

"Aren't you glad to see me?" Nanliit ang mga mata ni Justine.

"Of course. Yes. I'm glad. How's Paris?" Binuksan ni Justine ang pintuan at pinapasok sa loob ng office niya si Ria.

'Ako bahala.' Minouth niya kay Dominic. Nagnod ito at pumunta sa opposite direction.

Feel at home si Ria sa pag-upo sa upuan ni Justine. Tinititigan nito ang bawat picture frame na nakalinya sa ibabaw ng steel cabinet.

"Anong sadya mo rito?" Nakatayo lang si Justine. Alam niya na hindi pinuputol ni Ria ang kanyang bakasyon para lang sa wala. Nagsabi ito na sa katapusan pa babalik, at hindi ngayong second week.

"Easy lang, Jus." Tumayo si Ria at hinawakan ang nakatagong collar ng polo ni Justine. Pinakialaman nito ang mga butones ng kanyang suot.

"What do you think you are doing?"

"What do you think am I doing?" Hinila niya si Justine sa upuan. Nilock niya ang pintuan at bumalik sa dating pwesto.

"Ano bang kailangan mo dito?"

"Bumibisita lang." Umupo sa table si Ria at kinuha ang picture frame na nakatago sa likod ng iba. Hinarap ni Ria ang stolen picture ni Yana kay Justine.

"Hindi ka bumibisita para sa wala." Sinagot ni Justine.

"Oh. You know me too well." Binuksan ni Ria ang dala niyang messenger bag at hinagis kay Justine ang isang brown envelope. Tinignan niya ang pangalan na nakasulat sa labas ng envelope.

Joshua Salvador

"Para saan 'to?" Binuksan ni Ria ang pintuan.

"Read and see." Nagflying kiss siya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Hinila ni Justine ang laman na papel ng envelope.

For: Medical Record Encoding

Patient Name: Joshua Salvador

--

Patalon talon na lumabas si Ria ng hospital. Iba talaga ang feeling ng success -- nakakagaan sa pakiramdam. Sa wakas, ang matagal nang nakapatong na burden sa kanyang balikat ay naipasa na niya sa tamang tao.

Sa labas ng hospital, naghihintay ang isang babae. Naikot ang tingin nito kakahanap kay Ria. Kinalabit siya nito sabay niyakap.

"Tricia."

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon