MBD 21

52 2 0
                                    

Yana's POV

Nagulat ako sa request niya. Namiss niya sa buhay ko? Saan ko sisimulan? Simula ba noong nagkamuwang ako? Or nung high school kami?

Or yung namiss niya simula nang magkakilala kami?

"Well. Where do you want me to start?"

"Siguro sa latest." Napansin ko yung pagdadalawang isip niya.

"Alright. So, I came back to my hometown, just as I promised. Dati, sabi ko magseserve ako sa sarili kong bansa pag nakapagtapos ako. Natutunan ko na dapat tayong matuto tumanaw ng utang na loob, yung pag-aaral ko dito ang naging foundation ng success ko sa ibang bansa." I explained.

"Spoken like a professional." Napangiti siya. Pinilit kong hindi tumingin.

"Kailangan ko panindigan eh."

"Tell me about your life abroad before you met Justine?" So, kilala naman pala niya.

"It's not a joke. Nahirapan ako mag-adjust, kasi wala akong kakilala. Hindi naman ako magaling sa socializing. Una kong naging close yung groupmates ko, then doon na nagstart." Hindi ko sinama yung part kung saan napagod na ko sa buhay ko kasi wala naman 'yong saysay. Pag iniisip ko yun, parang gusto kong matawa kasi.. Parang ang fragile ko pa noon.

"Is Josh one of your groupmates?"

"No. Nakakatawa nga yung pagmeet namin eh. Dahil nahulog yung paper ko habang nakapila sa bilihan ng pagkain. Seeing a familiar face made me comfortable. Saka mas nagkakaintindihan kami compared sa iba naming kasama." Napadpad na naman sa mga ulap yung utak ko habang iniisip 'yon. Sharing stories about me and Josh seemed natural. Pag nagkukwento ako, kinikilig yung ibang tao.

But Justine kept his cool.

"Buti na lang nagkita kayo ulit." He said it with relief. Para namang maliligaw ako or what kapag hindi kami nagkatagpo ulit ni Josh.

"Yea. I'm glad I found him."

"Maybe you're destined kaya kayo nagkita ulit." I shrugged.

"Hindi na ko naniniwala sa ganyan." Medyo pinilit ko yung paniniwala ko.

"Bakit naman?"

Kasi kung totoo yung destiny, e di sana tayo na nagkatuluyan.

"Love is not fixed. Things happen, we fall in and out of love. Nasa kamay pa rin natin yung baraha."

Ramdam ko yung pagiging masama kong tao. Siguro mali yung pinaggagamitan ko nung natutunan kong pagiging mas expressive. I can't afford to be expressive to Justine. Hindi pa kasi tamang time para sabihin sa kanya lahat. Inaayos pa namin yung kung ano ang meron kami ngayon. Acquaintances or friends, parang thread na madaling mapigtas pa ang relasyon namin.

"Ikaw? Bakit single ka pa?" Inilipat ko sa kanya yung topic. Nawala yung tension.

"I don't know. Lahat sila, nakahanap na ng makakasama. Hindi lang siguro ako maswerte." Nagdrop yung chest ko ng marinig ko yun. Tinamaan ako eh. Kahit hindi ako yung nang-iwan dumating pa rin sa punto kung saan hawak namin ang isa't isa.

"Does it suck to be the only single in our group?" Napa-"ako?!" face siya at nag weh.

"Hindi. Pero syempre naiinggit din ako!" Tawa kaming dalawa. Nung napansin namin yung paggroan ni Hazel at paglean kay Louie.. Wait. Nasaan si Chai? Sumilip ako sa pwesto nila Dominic. Nakita kong tinabihan niya si Marielle.

"Gusto mo bang mahuli tayo?" Binulong ko ng pasigaw.

"Ikaw kasi eh." Tapos binatukan ako. Aba, lakas ng loob nito ah. Tawa ulit kami.

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now