MBD 5

145 2 0
                                    

"So, bakit mo ko inimbitahan mag-coffee? Alam mong busy akong tao. At alam mo naman siguro na first day ko ngayon sa trabaho ko."

Nandito ako ngayon sa bahay, or mansion, ni Kuya Jason. Time check - 6:00. Nagdrive ako mag-isa papunta doon.

Hindi naman sa talagang mayaman ang pamilya nila Josh. Hindi sila mayaman. Middle-class family lang rin sila dati, pero syempre, ano ba ang nagagawa ng pagsisikap sa buhay?

Halatang-halata ang pagiging architect ni Kuya Jason. Naamaze ako sa design niya ng bahay na yun. Feel ko siya rin yung nag-ayos nung unit namin, lalo na yung kitchen.

"Gusto ko sana magsorry."

"Para saan?"

"Kasi hindi ko sayo agad sinabi yung tungkol kay Tricia." Wow, pambungad nga naman oh.

Sa totoo lang, gulat pa rin ako hanggang ngayon sa nakita ko kahapon. Alam naman kasi ni Kuya Jason yung past ko eh. Yun yung reason kung bakit kami naging close. Nakakainis man siya, hindi ko ito magawang ipakita kasi nahihiya ako. Tinanggap niya ako eh, despite sa fact na naging masama ako at nang-iwan ako sa ere.

"Hindi mo trabaho na sabihin sa akin yun."

"Hindi ba unfair sayo yun? Kasi alam ko yung nangyari, ta's wala man lang akong ginawa para man lang warningan ka?" Well, may point siya.

"Kahit gaano pa kaunfair yun, buhay mo yun. May karapatan ka magtago ng sikreto." Gaya na lamang ng sikreto na tinago ko sa kanila ng ilang taon. Yun ang reason kung bakit hindi naging kami agad ni Josh.

---

Bumisita si Kuya Jason sa US. 3rd year na kami ni Josh nun. Dahil magkakilala naman pamilya namin, pumayag sila Mommy na sa isang unit na lang kami tumira. Dati, magkahiwalay kaming kwarto. Wala pa namang something eh. Pero nagpapakita na ng mga hint si Josh. Maaari kaming matawag na mag-M.U nung mga panahon na yun.

Nagchecheck ako ng mga e-mail nung time na yun. Ang dami kong hindi binabasang mail. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko siyang basahin. Alam ko naman laman nun eh. Alam ko kung sino ang nagpadala. Masakit man sa loob na pinupush ko palayo ang mga kaibigan ko, yun lang yung tanging paraan para iligtas ko sarili ko mula sa pagiging miserable.

Nakaka-eleven na akong mail. Basa lang ako ng basa ng mga kwento ng mga kaibigan ko. Sa isa pang window, bukas yung blogsite ko. Pasado lunch na noon, at kumakalam na yung tiyan ko. So, nagrest muna ko saglit at nagpunta sa kitchen.

Naglagay si Kuya Jason ng pagkain. Umupo ako sa may counter.

"Kuya, akin ba yan?" Sabay ngiti. Alam ko kasing lolokohin ako nun.

"Ano ka, sinuswerte?" Sabat niya. Ang taray 'di ba? Kinuha ko yung plato at nagsimulang kumain.

"So ganon, kakain ka na lang?" Nakataas yung kilay niya sa akin. Umoo naman ako.

"Patay-gutom."

"Hindi ako nagbreakfast." Kumuha ako ng mango juice sa may ref.

"Alam mong may kapalit yan."

"Sus. Anything. Bring it on."

"Sige. Pagamit ng laptop, please?" Hindi ako nagdalawang isip na pahiramin siya. Alam ko namang naiintindihan niya ang salitang privacy.

"Basta pasyal tayo pagkatapos. May bibilin akong libro."

"Sige." Ta's pumunta na siya sa kwarto. Wala si Josh kasi may klase pa sila. Ang hirap pala maging Music Student, ang daming alam ng teacher. Ngayon kasi, pinapatapos siya magrecord ng album. Classical violin ang gamit ni Josh para dun.

———————————

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now