MBD 34

70 2 0
                                    

"Tricia! A little help!" Sumigaw si Jason mula sa pintuan. Ang hirap alalayan ni Josh. Kahit na sabihin na may sakit yung tao, pinilit pa rin nito maging fit.

Napatakbo si Tricia sa pagtawag ni Jason. Laking gulat niya sa itsura ni Josh. Basa ang buhok, nanginginig sa lamig, maputla ang balat at labi. Sabay nilang inalalayan si Josh papunta sa kwarto nito.

Pagkababa kay Josh sa kama, kumuha agad si Tricia ng tuwalya. Tinanggal ni Jason ang suot ni Josh na t-shirt. Tumalikod si Tricia, halos mangiyak. Ngayon niya lang nakitakung gaano kalala ang situation nito.

"Tricia, pwede ka nang humarap." Umiling si Tricia. Pinunasan niya ang luha niya. Ang hirap pala. Gusto niyang magalit kay Josh. Sana man lang, sabihan niya si Yana.

"Tricia, wag ka namang ganyan." Hinawakan siya ni Jason sa elbow at pinigilan siya sa paglabas ng kwarto.

"Pwede mo bang sabihan yang kapatid mo? Ayaw ko kasing ginagawang t-nga yung kaibigan ko e." Hinarap niya si Jason. Kita ang galit sa mga mata niya. Ang galit na ito ang lalong nagpalungkot sa nararamdaman ni Jason.

"Ginagawa ko naman e." Sinagot niya.

"Nasaan yung resulta ng ginawa mo?" Bulyaw ni Tricia. Hinawakan ni Jason ang mga braso niya.

"Ginagawa ko naman lahat e! Ginagawa ko lahat, alam mo 'yon. Inuuna ko siya kaysa sa sarili kong kaligayahan! Hindi pa ba sapat 'yon, Tricia? Hindi pa ba sapat yung pagpapatagal ng kasal natin? Hindi ba resulta 'yon?" Lumuhod si Jason sa harapan ni Tricia na parang buhat niya ang mundo sa kanyang mga balikat.

"Tricia, napapagod din ako. Pagod na ko. Pero hindi ko hahayaan si Josh. Naiintindihan mo naman 'yon diba?"

Ngayon lang nakita ni Tricia si Jason na magbreakdown ng ganito. Sanay siya sa masayang maskara nito kahit na marami nang problema. Aminado siya, nahihirapan din siya. Mahirap magsakripisyo, lalo na kapag ang bagay na isasakripisyo mo ang bagay ng matagal mo nang hinihiling.

Lumuhod din si Tricia at niyakap si Jason. Hindi matigil ang nasabing lalaki sa kakaiyak. Nanginginig ang malaki nitong katawan. Nilunon ni Tricia ang sariling pighati.

Kailangan din naman ni Jason ng mag-aalalay sa kanya. Hindi sa lahat ng pagkakataon, siya ang aalalay at magiging komedyante. Sabi nga, lahat ng komedyante, sa loob ay may kinikimkim na kalungkutan.

"Magsabi ka kasi sa akin. Pwede mo namang sabihin sa akin kung pagod ka na e."

Sa hinaba haba ng tinagal ng relasyon nila, ngayon lang nila nadama ang tunay na kahulugan ng kalungkutan. Hindi lamang ito resulta ng hindi pagkakasundo, o ng matagal na pagkakahiwalay.

Ang kalungkutan, mararamdaman mo ito kapag alam mong wala ka nang magagawa pra baguhin ang isang bagay.

Saglit lang ang tinagal ng pag-uusap na 'yon. Hindi sila nagtagal, sa takot na mahuli sila ni Josh. Habang sila ay magkayakap, nagvibrate ang phone ni Tricia.

Panira.

"I'll take this. Tignan mo si Josh."

Hinintay ni Tricia na makalayo si Jason bago kunin ang phone niya. Malakas ang kutob niya na may nilalaman na mabigat ang mensaheng natanggap niya.

At napatunayan niyang totoo ang kutob niya.

Quote

To: Patricia Marie Gonzales, Dominic Enrico Chua, and Hazel Angeline Go.

Subject: SOS.

Tomorrow is the day ! : ) We'll be expecting you.

Tumingin si Tricia sa nakasarang main door ng unit nila Yana. Ilang minuto mula ngayon, papasok dito si Yana, malalim ang iniisip at masama ang loob.

Everything's happening at the right time.

---

"Saan mo pinapunta si Marielle?"

"Kay Dom."

"Ah. Okay."

Ang totoo, nirequest ni Louie na iwan sila ni Hazel. Marielle obliged, kahit na natatakot siya na baka magkaproblema. Pero minsan, ang problema, nareresolba lamang ng mga taong nagsimula nito.

Hindi mapakali sa pag-upo si Hazel. Sabihin mo nang nakakakalma ang garden side ng ospital, pero yung pagkausap kay Louie. Hinigpitan niya ang hawak sa folder na may laman ng medical results niya.

Hindi makabuwelo si Louie. Paulit ulit niyang binuksan ang bibig, pero walang lumalabas na salita. Kinoconsider niya ang maaaring hormonal induced reaction ni Hazel. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Makailang ulit pa siya bumwelta.

"Kailan mo pa 'to nalaman?"

"Bago pa magreunion."

"Sino unang nakaalam?"

"Si Justine." Muli, nangibabaw na naman ang resentment ni Louie kay Justine.

Siya na naman?

"Bakit siya? Siya ba ang tatay?" Hindi sinasadya ni Louie na magalit. Napuno lang siya. Oo, kaibigan niya yung tao, pero para namang abusado na siya masyado.

"Hindi. Kasi siya lang yung makakaintindi sa akin noon. At least siya, ready makinig. Hindi kagaya ng iba dian, ignorante." Tinapatan ni Hazel ang tono ng boses ni Louie.

"Sinubukan mo bang lumapit?" Hamon ni Louie.

"Oo. Lumapit ako. Pero anong ginagawa mo nun? Nakikipaglandian ka sa mga babae mo. How's that?"

"Bakit? Tayo ba?"

Napatigil si Hazel. Yun nga ang masaklap e. May nangyari na maganda sa kanila, pero no strings attached. Masakit man isipin, pero mukhang one-night stand ang nangyari sa kanila.

And that friggin' changed her life.

"Ano? Tayo ba?" Nangangati na ang kamay ni Hazel. Eto na algn alst straw niya. Isang salita pa.

"Ano? Tayo--"

"Wag na wag mong kikilalaning anak ang mga batang 'to."

Mabilis na lumayo si Hazel sa kinaroroonan nila. Sa pagsara ng pintuan, hiniling ni Hazel na sana'y hindi na niya makita pang muli si Louie.

---

"So you're going?"

"Yes."

"On our anniversary?"

"I promised to make up to you."

Kahit nanghihina, pinilit ni Josh na mag-empake. Ayaw niyang manghinala si Yana sa mga mangyayari. Madali niyang sinara ang bag at lumabas ng kwarto. Hinabol siya ni Yana palabas.

"You promised."

"Alam mo naman 'tong trabaho ko."

Nabadtrip si Yana. Gusto niyang pigilan si Josh, pero wala namang paraan para mangyari 'yon. Sumama siya? Too late.

Kailan bang siya na lang lagi ang iniiwan?

"I'll be back sooner than you think." Kiniss siya ni Josh sa forehead bago lumabas ng unit nila.

Hindi man lang siya nakapagsalita. Nakakafrustrate. Gusto niyang maglitanya kay Josh. Hindi pa nakakatulong ang mga mangyayari bukas.

Nagring ang telepono.

"Hello?"

"Hi Ate Yan! Si Jana 'to. Libre ka ba mamayang gabi?" Narinig niya ang hampasan sa kabilang linya at ang pagsaway ng nakatatandang babae.

Gahd, she missed that family.

"Yea. I'm free. Why?"

"Gusto ka sanang imbitahan nila mama at kuya magdinner." Nahalata niya ang emphasis sa salitang 'kuya'.

Pinag-isipan ni Yana. Wala namang mawawala kung pupunta siya. In fact, makakapagcheer up pa ito sa kanya. Kahit na si Justine pa makakasama niya.

Si Justine na minsa'y hiniling niyang makasama sa anniversary..

"Sure. I'll be there by 6."

~~

#VOTE PO :)))

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя