MBD 20

52 2 0
                                    

Yana's POV

"Nasaan yung bag ko?" Sumigaw ako mula sa dressing room. Pinatulog kami saglit habang nililinis yung venue. Pagkagising ko, bihis ako agad. Medyo nagusot yung gown, pero papaayos ko na lang 'yon. Lahat ng kasama ko, nasa sarili nilang kwarto.

"Nasa sasakyan na!"

"Ewan ko!"

"Nasa labas yata!"

Nakatulong yung sagot nila, grabe. Nilabas ko yung mga sumagot. Nagkakagulo rin sila habang nagchecheck pang-last minute.

"Nasaan niyo nilagay yung bag ko? Sabi niyo kayo bahala magdala." Medyo nagtaray ako doon. Wala kasing kumakausap sa akin ng matino.

"Nasa sasakyan na. Nacheck na 'yon. Sasakay ka na lang." Lumabas si Chai mula sa kwarto niya at naglock. Takbo ako ulit sa kwarto para kunin yung hand-carry ko.

Pumunta na ko parking lot, kung saan naghihintay yung iba. Saan ako sasakay? Hinintay kong lumabas ung iba.

"Nakatayo ka dyan? Lalakarin mo ba hanggang sa pupuntahan natin?" Huling lumabas si Chai. Buang talaga 'to. Hinila niya ko papunta sa sasakyan sa dulo.

Kumpleto yung barkada ko dun. Bakit di man lang nila ako tinawag? Magtatampo ako nito eh. Anyway, nakita ko yung bag ko sa likod. Lahat sila nakapwesto na.

"Yana!" Binati ako ng mga tao dun ng sabay sabay. Ehem, may napapansin ako dito

"Dalian niyo. Malapit na mag-2!" Biglang sumilip mula sa driver's seat si Justine. WHAT?!

"Usog." Pumunta ako sa tabi ni Dominic. Ngumisi lang siya at nakipaglambingan kay Marielle.

"Sa harap." Sumabat si Louie mula sa second row. Sinandwich nila ni Hazel si Chai. So, it leaves me the sit beside the driver.

"Hi." Binati ko si Justine pagpasok ko. Medyo nagulat siya. Medyo lang, kasi narinig niya yung mga nasa likod.

"Hi." Sagot ni Justine.

Lalakarin ko na lang. Pwede ba? >.<

XXXXXXXXXXXXXXXX

Justine's POV

"Shawty's like a melody in my head that I can't keep out got me singin' like Na na na na everyday. It's like my iPod stuck on replay replay-ay-ay-ay." Nagkakantahan ang mga pasahero ng isang van na may plate number WHP 568 habang ito ay bumabaybay sa NLEX. Wala pa namang sumisita sa amin o humaharang dahil sa kaingayan ng mga kasama ko.

"Basta pag hinarang tayo, ibigay niyo si Louie." Sinigaw ni Chai habang pinapasa yung pagkain.

"Wag kayong magkalat!" Yung sasakyan ko, magmumukhang mini-Leonel. Hindi pwede! Palakarin ko sila eh!

"Opo boss!" Tapos tuloy pa rin yung kantahan. Tuloy tuloy 'yon, hanggang sa isa isa silang makatulog. Nakakarelax yung dating pag tumatahimik sa paligid. Syempre, hindi na sasabog yung utak mo sa mga pinagsisigaw nila. Oo, pagsisigaw. Sanayan lang siguro kaya hindi ko sinadyang ibangga yung sasakyan ko.

Habang patuloy na nagdadrive, napadpad ang aking isipan sa babaeng natutulog sa aking tabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya. Yung chance na makita siya ulit, na makausap siya at masabi lahat ng gusto kong sabihin.

Her presence is surreal, but I can't help myself on grasping to what my senses tell me.

Nakasaksak sa tenga niya yung earphones, kaya siguro hindi siya nakikigulo kanina. Nakasubsob yung ulo niya sa unan, tapos yakap niya yung stuffed toy na pinasa nila mula sa likod. Pigil na pigil ako sa pagtingin sa kanya, kung hindi maaaksidente kami. Alam mo yung feeling na sana lagi ka na lang nakatitig sa isang tao? Mali 'to eh. Ganito ako kasi hindi ako makapaniwala, pero mali 'to!

Nagulo ang aking pagsulyap ng magvibrate yung phone niya. Nagising si Yana, pero di niya ko napansin. Binasa niya yung message at napangiti.

"You're smiling." Binulong ko. Kaso, sh-t! Narinig niya.

"Huh?"

"Nangiti ka." Nagshake lang yung ulo niya.

"Mukha ako sigurong baliw."

"Hindi naman." Sinubukan kong istore sa memory yung ngiti na 'yon. Kumpara kasi sa mga ngiti niya bago siya umalis, yung ngiti niya ngayon totoo. Talagang puno ng saya.

Lalo na yung ngiti niya kanina noong kasayaw niya yung kapatid ng boyfriend ni Tricia. Si Josh.

Kanina, noong magkasayaw sila, tinignan ko sila ng maiigi. Abot tenga pareho ang ngiti at para bang wala yung ibang tao sa paligid nila. Nung time na yon, I felt happy and sad at the same time. Happy kasi nakita ko yung pagbabago kay Yana, pero sad kasi hindi ako part ng happiness na 'yon.

Then I thought: It should have been me. Unbelievably coming from me, but it's true.

T-nga ko lang at pinakawalan ko siya.

"Yung guy kanina, siya na ba?" Naitanong ko lang. Gusto ko manggaling sa kanya yung hinahanap kong sagot.

"Yes."

"How long?"

"Together? Mag-fofour." Nung sinabi niya yun, nandoon yung pride sa boses niya. Four years? Walang panama sa tagal ng pagkakaibigan namin. Bigla akong nagyawn. Napatingin ako sa dashboard malapit ko na mareach yung 24 hours limit. 4 hours pa.

"Sorry hindi ako makakapagdrive ngayon. Hindi ako familiar sa daanan eh."

"Ayos lang yun. Kwentuhan mo na lang ako." Kailangan niya magsalita. Gusto ko siya marinig magsalita.

"Anong ikukwento ko?"

"Ikwento mo lahat ng namiss ko sa buhay mo."

————————————-

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now