MBD 31

44 3 0
                                    

--

"Ayaw ko na."

"Sige na. He promised. Wag kang KJ." Malapit sa gate nakatambay si Dominic at Yana. Hinawakan ni Dominic ang bag ni Yana para hindi siya makaalis.

Nangangati na yung paa ni Yana na tumakbo. Kanina pa niya gusto umuwi. Joke lang talaga yung sabay sila ngayon. Pero kung may bestfriend ka na alam ang bawat galaw mo, sorry na lang.

"Sorry. Late na kami pinalabas."

"Grabe ha. Iiwan ka na nga nung isa dito e." Iba talaga pag kaibigan, nanlalaglag. Dahan-dahan, nagmove palayo si Yana sa dalawang lalaki.

"Wait." Napatigil siya noong may humawak sa kamay niya. Medyo malambot yung kamay nung tao, at pasmado pa yata. Tumalikod si Yana.

"Kanina pa ko naghihintay." Napagulp si Justine. Bang, minus one pogi point.

"Naman 'to. Hintayin niyo kami!" Sabi noong kaklase ni Justine.

"Hi Yana." Mapang-asar na bati ng mga 'to.

"Sasabay sila." Umoo na lang si Yana. Para namang makakatakas siya sa mga lalaking 'yon, diba?

Naglakad sila papunta sa sakayan. Nauna yung mga maiingay na kaklase ni Justine. Yung dalawa naman, sabay na naglakad. Tahimik. Nagkahiyaan.

"Uy, para po. Sakay na tayo!" Dali-daling umakyat ng jeep yung mga kasama nila. Hindi sumunod si Justine at Yana at nakita ang mga itsura ng mga kasama nila. Natawa lang silang dalawa.

Ang dali talagang utakan ng mga 'yon.

"Tara. Hatid na kita sa Pedro Gil." Kinuha ni Justine ang kamay ni Yana at naglakad sila. Kasabay ng bawat yabag ng paa ang mabilis na pagtibok ng puso nila.

Ganito ba talaga pag puppy love?

---

"Dom." Hinihingal Si Dominic na para bang nawawala sa sarili.

Nanlaki ang mata ni Dom. Binaba niya ang tingin sa magkawak na kamay noong dalawa. Good news na sana 'yon, kaso yung folder.

"Pare, ayos ka lang?" Tinapik ni Justine ang balikat ni Dom.

"Ah. Eh. Oo. Haha. Sorry." Tumalikod ito bigla. Hinayaan na lang ito. Ganyan talaga pag nakikimoment. JOKE.

"Halika na?" Pinisil ni Justine ang kamay ni Yana at nagpatuloy sila sa paglalakad.

Hindi man lang nila narinig ang click sa likod nila.

---

"Charlene. Hindi ka ba talaga papaawat dyan?"

"E boss naman. Ang kulit mo. Sabi ko, malapit na ko matapos. Chill."

Hinigop ni Chai ang coffee niya. Nakakainis talaga kapag nasa city ka -- mas mainit pa sa iyong inaasahan ang temperature. Tapos ang opisina mo pa, nasa 23rd floor. Bongga talaga.

"Kasi alam mo, kanina pa may naghahanap sayo sa labas. At kanina pa siya iniinterview ni Brian."

"Oh? Ano raw pangalan?"

"Christian Samaniego. Yung sikat na archer." Sabay tili nung boss ni Chai.

Pati ba naman boss niya? Lecheng kagwapuhan naman niyan o.

"I need a break." Tumayo si Chai at dumiretso papalabas ng opisina.

Mula sa glass doors, nakita niya na nag-eenjoy ang dalawang lalaki na masayang nag-uusap. Duh, sports writer at athlete yan e. At sa lahat pa ng pwede niyang kausapin, yung pinakamayabang pa na sports writer.

"Hello Brian." Napatingin ang dalawang lalaki. Ngingisi ngisi si Brian kay Chai.

"Hello Charlene." Malanding pagsagot nito.

"Pwede ka nang lumayas." Sumunod naman ang nasabing lalaki, ngunit hinawakan muna niya ang pisngi ni Chai bago tuluyan umalis.

"Eew."

"Punas." Inabot ni Chris yung panyo niya. Nagpipigil ito ng asar; halata iyon sa boses niya.

"Bakit ka nandito?" Nakapamewang si Chai sa harap ni Chris. Tumayo ito at biglang hinawakan ang mukha niya.

"Masama bang makita kita?"

"Archery. Does it ring a bell?" Kaya nga ayaw niyang malaman dati ng iba ang tungkol sa kanila. Gusto niyang mapatunayan ang kanyang sarili. Hindi bilang karelasyon ni Chris.

Ngunit bilang si Charlene Chua, isang magaling na feature editor.

"I just want to spend time with you." Ayaw sumagot ni Chai. Baka kasi madala na naman siya at kunsintihin niya na naman ito.

Binrush ni Chris ang bangs ni Chai papalayo sa mukha niya. Tinitigan niya ito ng maigi, para bang hinihypotize ito. Mabagal na nilapit ni Chris ang kanyang mukha kay Chai.

Biglang nagring yung phone ni Chai.

"Ugh. Perfect." Napaupo ulit si Chris.

Pero napatigil si Chai.

Sinend sa kanya ang isang picture ng dalawang nakangiting tao. Si Yana at si Justine. Papalabas sila ng ospital at magkahawak kamay. Mukhang may pupuntahan sila.

Quote

From: Ria

We've got work to do

————-----—-————

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon