MBD 15

84 3 0
                                    

Yana's POV

After 14 exhausting days, natapos na ang practices. Sa araw na ito, rest day kasi mamayang gabi na ang reunion. After dumaan saglit sa ospital para magsabi tungkol sa pag-absent at pagforward ng calls sa sarili kong mobile, bumalik na ako kay Josh. Pagpasok ko, naamoy ko na niluluto niya yung favorite ko -- tocino.

"Smells good." Hinug ko siya mula sa likod.

"Which smells good? Me or the food?"

"Both." Kiniss ko siya sa cheek bago kumuha ng plates. Binuksan ko na rin yung coffee maker. Sana lagi na lang ganito, gaya ng dati.

"Himala, naisipan mo magluto. Ano meron?" Tinabihan ko siya. Malapit na maluto yung tocino.

"Wala lang. I just felt the need." He shrugged.

"Ang sabihin mo nagpapaimpress ka sa akin." Jinoke ko. Pero sabi nga nila, jokes are half meant.

"Lagi ko naman ikaw naiimpress, diba?" Nagsmirk siya. Hindi ko na pinatulan. Nang maluto ang tocino, dali dali akong umupo. Kuha ako agad ng isa at kumaen.

"Hinay hinay lang sa pagkain."

"I have an appointment by 11. Malelate na ako. Tanghali na kasi ako nakabalik." Inisip ko ang mga lugar na kailangan kong puntahan bago ang program mamayang gabi. Hindi ko alam kung magagawa ko ba 'to.

"Take it easy. You have to be up 'til dawn."

"I know. I just.."

"Relax. Do it one by one." I nodded. Siguro masyado lang akong stressed kaya scatterbrained ako.

"Dominic called last night. Pinaalam ka niya about dun sa trip niyo for the next few days. Wag ka daw mag-alala kasi kinausap na nila si Chief." Wow. Wala akong alam tungkol dito. Kailangan ba talaga nagtatago sila ng mga ganitong bagay? Well, aayaw kasi ako if ever.

"And you?"

"I forgot to tell you last time na may tour ako. I'll be gone for three weeks." Three long weeks, and our anniversary is in the fourth. This is one thing I hate about his job -- nagkakalayo kami ng matagal. Sana kumuha na lang siya ng isang course na may trabaho na hindi kami magkakalayo. Para kasing hindi kami stable. He's always out. They say absence makes the heart grow fonder. What if the absence was too much for the poor heart to handle? Hindi sa nagiging overdramatic ako, but still..

"When is your flight?"

"Tonight." Perfect timing. Sighing, I kissed his cheek. Muntik na niya mahawakan yung kamay ko, pero nilayo ko 'to agad. Kinuha ko yung bag at sweater ko bago lumabas.

Tedious three weeks, here I come.

XXXXXXXXXXXXXXXXXX

THIRD PERSON'S POV

Time Check: 4:00 PM

Lahat sila ay hindi magkamayaw sa pag-aayos para sa paparating na gabi.

Sa loob ng function area, nagsimula nang magset ang caterers ng table. Nandoon na ang ilan sa mga hinire nila mula sa pinagkuhanan nila ng table at chairs para sundin ang seat plan. May nagseset-up ng stage at drapes para sa entrance. Pumasok si Hazel at Chai sa loob. Since masters of ceremonies sila, kailangan silang mauna sa venue para magmanage.

"Anong oras pa sila nagstart?"

"Ngayon lang. 9 pa naman ang start."

"Bakit ngayon lang? Five hours? Bitin yun!"

"Hindi. May mga darating pa. Hati-hati sila ng trabaho."

Naghati ang dalawa sa kanilang mga babantayan na lugar. Habang kinakausap nila ang mga nag-aayos, dumating na ang kanilang mga kaibigan. Sila ang nakaassign para dito. Pare-pareho silang naghahabol sa oras, pero wala silang choice.

"People. Move faster please?" Sinigaw ni Tricia bago tipunin ang kanyang mga kaibigan.

"Sino na magbabantay dito? May hinahabol pa tayo na mga salon appointments."

"I called Jason. Parating na siya. Sila na nung band na tutugtog ang bahala dito." Nagpalight yun ng mood nilang magkakaibigan. Around fifteen minutes ang lumipas, biglang tumunog yung phone ni Tricia. Natuwa na yung mga naghihintay sa pag-aakalang si Jason na ang nagtext. Pag bukas ni Tricia nung message, iba ang lumabas.

Quote

Topic: Eyes on the Dance Floor

Seems like everyone's excited for tonight. I have seen some of the known figures of our batch on shopping trips for the past few weeks. Boutiques raided, dresses scattered around, jewellry stores left empty. Isn't this event the biggest blast for the month?

On a related note, weeks of practicing for the cotillion will finally pay off. Behind those glittery masks, who are you going to see? Is it a good friend, a past forgotten, or your own Nathaniel Archibald? Watch out girls. You never know what's in store for you tonight.

"Wow. Walang chismis." Nareceive na rin nang iba yung message.

"Wala ngang chismis. Meron namang threat." Sinagot ni Tricia. Own Nathaniel Archibald? Mukhang kilala niya na ang pinapatamaan ng message na 'to.

"Bato bato sa langit." Isang pamilyar na boses ang kanilang narinig mula sa pintuan. Nakatayo doon si Justine, hawak ang kanyang cellphone. Siya ang look-out ni Jason sa labas.

Isang silent understanding ang lumipas sa pagitan ni Tricia at Justine. Isa lang ang malinaw.

Isang sa mga tao mula sa kanyang nakaraan ang muli niyang makikita.

————————————-

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon