MBD 45

32 3 0
                                    

"Hi Par. Napapadalas yata bisita mo dito." Biglang nag-appear yung kuya ni Hazel mula sa pasukan ng living area. Muntik na siyang tumalon sa kinauupuan niya. Sh-t, masyadong kabado.

"Yo. Wala akong ibang mapuntahan e." Alibi ni Louie.

"Wala? Par, lalaki rin ako. Alam ko na yang mga ganyan." Wala pang bakas ng pagsususpetsa sa boses nito. Cool. Huminga ng malalim si Louie at inayos ang pagkakaupo.

Kung tutuusin, cool naman si Louie sa kuya ni Hazel. Nagkakasundo naman yung interests nila, except na lang siguro kay Hazel. Mahal na mahal ng kuya niya si Hazel to the point na hindi na makaporma yung mga lalaki sa kanya dahil masyadong mahigpit yung pagkakabantay dito. Well, lucky Louie. Magaling lumusot.

Sa butas ng karayom.

"Par, naninigas ka yata dian." Umupo yung kuya ni

Hazel sa couch na katabi nung inuupuan ni Louie.

"Hindi. Okay lang ako." Sinubukan ni Louie na ngitian yung kuya ni Hazel.

Pero nilunok niya yung ngiti nang makita yung mapanuri nitong ekspresyon.

"Sigurado ka ba dian? Parang pigil na pigil ka e." Gulp. Tumagaktak yung pawis ni Louie sa likuran niya.

"Oh may gusto kang sabihin?"

BOOM. It hit the chord. Ramdam ni Louie na unti unti nang nawawala ang pagkalalaki niya. Nagsshake yung katawan niya, panigurado. Medyo nahihilo siya. Woot. Kuya lang yan ni Hazel, may tatay pa siya. Pero kaya naman na siguro ni Hazel pakiusapan yun.

"Alam ko alam mo na yung unang bad news." Gulp.

"Bad news, e? Hm. Oo. alam ko na."

"Pero hindi lang yun yung bad news. Onti pa.

"Ano pa? May isa pa?" Nagtwitch yung paa ng kuya ni Hazel. Tatayo na siya, onti na lang.

"Par, papakasalan ko na yung kapatid mo."

The next thing that happened came so fast. Nasa ibabaw na ni Louie yung kuya ni Hazel, hawak yung collar nito. Nanlilisik ang mata niya. Inisip ni Louie, Oh God, kayo na po bahala sa magiging pamilya ko. Mukhang mapapatay pa ako ng soon-to-be brother-in-law ko. Hinintay ni Louie yung masakit na suntok sa panga niya.

"Sa susunod, sabihan mo muna ako bago mo buntisin yung kapatid ko. Hindi yung uuwi na lang ako, malalaman ko na lang na tito na ako." May halong biro sa boses nito. Binukas ni Louie ang nakapikit na mga mata.

"Smile!" Hindi nagalaw ni Louie ang ulo niya. Click, then flash.

"Ang galing talaga nang kuya ko!" Naghigh five yung magkapatid ang tumawa. Damn, tinatawanan na siya ngayon.

"Halika na, bro. Rinig ko nang lumakalam yang tiyan mo." Nagwink yung kuya ni Hazel kay Louie.

That's a really nice surprise for asking a blessing.

---

"Hey sexy." Nagwiggle yung eyebrows ni Chris.

"Hey handsome." Jinab playfully ni Chai sa tagiliran si Chris.

Mabuti na lang at nakared pa yung stoplight. Hindi maintindihan nung dalawa, pero they can't get enough of each other ang drama nila. Hindi pwedeng lilipas ang ilang minuto ng walang may magsasalita sa kanila, o kaya ngingisi na para bang may tinatago silang sikreto.

Which is the truth.

Ang jumpy ng dating kay Chai. Hindi siya mapakali. Pwede bang mag-show off na lang siya? Pero alam niyang hindi ito pwede kasi baka bugbugin siya nung mga kaibigan niya.

"Are we there yet?"

"Wag kang masyadong excited. Basta malapit na." Kinuha ni Chris yung kamay ni Chai at kiniss yung back nito. Matunaw tunaw naman daw ang nasabing babae. Inabot nito ang mukha ni Chris.

May dalawang sasakyan sa harap ng tinitirhan ni Chris. Yung sasakyan ni Marielle at Ria. Of course, hindi nito papalampasin yung mga ganitong bagay. At sila lang naman kasi ang sinabihan ni Chai na uuwi nila. with their luck, hindi pa ito alam ng iba.

May dalawang babaeng nakapamewang na nakatayo sa may porch. Nag-uusap si Marielle at Ria at mukhang nagtatawanan pa sila. May nakain ba sila o nainom? Pag-iisipan pa sana ni Chai kung ano ang magandang rason para magbond yung dalawang babae, pero hindi niya maalis yung kasiyahan niya.

It's too much. Chai felt like exploding.

Tumigil yung dalawa sa pag-uusap at tumingin sa sasakyan. Nagstop sila Chai at Chris. Lumabas silang dalawa. Saka na lang tumakbo sa kanya yung dalawang babae.

"Haaaaay! Namiss ko kayo!" Sinabi sa kanila ni Chai.

"Ikaw yung biglang nawala. Ria pointed out.

"Bigla ka na lang nawala. Alam mo yung nakakagulat at nakakatakot? Ikaw yun!" Sinaway siya ni Marielle.

"Sorry. I just have to sort out myself from everything." Pinasok ni Chai yung kamay niya sa bulsa niya.

"And you're doing that sorting out with him?" Tinignan ni Marielle si Chris. Chai shrugged.

"Or did you do something other than sorting out?" Nagroam kay Chai yung tingin ng Ria. At may isa laging binabagsakan ang tingin nito.

Hinila ni Ria yung dalawang babae at hinayaan si Chris mag-ayos ng mga bagahe. Sa may malapit sa garden, tumigil sila.

"Ilabas mo ang mga kamay mo." Ria commanded.

"Wha--" Nagblush si Chai. Napa-O yung lips ni Marielle at hinila niya yung kamay ni Chai. Gently lang naman.

Tinamaan ng sinag ng araw yung gem sa singsing ni Chai.

"Oh girl. don't tell me.." Hindi na natapos ni Marielle ang sasabihin.

"Yes. We eloped."

~~

#VOTE PO ^______^

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now