MBD 38

30 3 0
                                    

Hinalughog ni Yana ang buong unit nila. Binuksan niya lahat ng pwedeng taguan. Sinilip lahat ng pwedeng pasukan. Binasa lahat ng papel na nakalatag. Binali-baliktad na niya ang kanilang unit, pero wala pa rin siyang mahanap na kahit anong makapagbibigay sa kanya ng kinaroroonan ni Josh.

Kinuha niya ang susi at umalis sa kanilang unit. Isang tao lang ang makapagsasabi sa kanya ng kinaroroonan ni Josh. Mabilis niyang nilagpasan ang traffic hanggang sa makarating sa village nila Jason at Tricia.

Sarado ang mga ilaw sa bahay nila, pero alam niyang may tao sa loob. Nandoon ang sasakyan ni Jason sa labas. Naghintay si Yana sa loob ng kanyang sasakyan hanggang sa may magbago.

Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto, may tumigil na sasakyan sa tabi nung kay Jason. Mula rito, lumabas si Ria na may dalang malaking paper bag. Nagring siya sa doorbell at naghintay.

Nakita ni Yana ang pagod na itsura ni Jason pagkabukas nito ng pinto. Mukha siyang pagod at kulang sa tulog. Pinunasan ni Ria ang mukha nito at niyakap siya ng mahigpit.

Eto na pala ang pinagkakaabalahan ni Ria ngayon.

Kinuha ni Yana ang cellphone niya at hinawakan ito ng maigi. Inisip niya kung makakabuti ba ang gagawin niya o hindi. Pero kailangan niya itong gawin. Kung gusto niya malaman ang totoo, kailangan niyang harapin si Jason. Gamit ang speed dial, tinawagan niya ito.

Ang magkayakap na Ria at Jason ay naghiwalay. Kinapa ni Jason ang kanyang bulsa at nilabas ito. Hindi na nito tinignan kung sino ang tumawag.

"Hello?"

"Sabihin mo kay Josh, kung uuwi siya, wag niya akong aasahan na may maghihintay sa kanya."

Sakto nang maputol ang linya, bumagsak ang mga unang patak ng ulan na tila'y nakikisalo sa dalamhati ng nararamdaman ng isang kapatid, isang kaibigan, at isang nagmamahal.

---

Isang kabaliwan ang ginawa ni Chai. Sa kawalan sa sarili, naiwan niya ang bag niya na naglalaman ng susi ng kanyang sasakyan sa headquarters. Wala pa siyang dalang pera, kaya't ang tanging choice niya ay maglakad.

Sa pagbagsak ng ulan, kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha ni Chai. Hindi niya na alam kung ano pa ang papaniwalaan. Hindi niya na alan kung sino ang tatakbuhan. Masyado siyang nasanay na sinusuportahan siya ni Dominic.

Eh si Dominic na mismo ang nilalayuan niya.

Paulit ulit na bumusina ang isang sasakyan mula sa likuran ni Chai. Umusog siya sa may sidewalk at sinubukan na punasan ang mukha. Masyado siyang nadrain na napaupo na siya sa sidewalk.

"Chai. Baby ko." Biglang may nagpayong kay Chai at nagcover sa kanya ng jacket.

"Chris." Niyakap siya ni Chai at umiyak sa kanyang balikat. Sa kanyang pag-iyak, hinalikan ni Chris ang kanyang noo, ilong, mga mata, pisngi.

"Chris, bakit kailangan niya magsinungaling?"

"Chai. Nandito na ako. Nandito pa ako."

Hinawakan ni Chris ang kanyang labi. Hindi siya tinignan ng diretso ni Chai, pero tumigil na ito sa kakaiyak. Mabagal na nilapit ni Chris ang kanyang labi kay Chai hanggang sa dumampi ito sa labi noong snasabing dalaga.

Binuhat siya ni Chris papasok sa likod ng kotse. Tinanggal ni Chai ang jacket ni Chris, pati na rin ang basa niyang blouse. Tumalikod siya kay Chris, sa takot na mabigla ang binata. Niyakap ni Chai ang sarili. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Chris.

"Wag ka nang magtatago ng kahit ano sa akin ha? Kahit masakit. Mula ngayon, sabihin mo na sa akin lahat." Nanliit si Chai sa yakap ni Chris.

"Isa lang naman ang gusto kong sabihin sa'yo e." Bulong ni Chris.

"Ano yon?"

"I love you, Chai."

At ang mga sumunod pa ay produkto na lamang ng kanilang tunay na pagmamahal.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Time Check: Three weeks after.

[ Yana's POV ]

Ilang linggo na. Walang tawag. Walang text. Walang e-mail. Walang bisita. Walang kahit anong sign kung nasaan si Josh.

Nakakadismaya. Nakakairita. Nakakainis.

In a matter of three weeks, naging mas tahimik ang aking buhay. Alam ng mga kaibigan ko, kung ganoon man ang matatawag sa kanila, na hindi dapat ako lapitan. No calls, except sa pangungulit sila Dominic minsan kapag lunch. Pinutol ko na yung linya ng telepeno at nagpalit ng sim.

I never thought that things will end up this way. I

want so bad to approach my friends, pero mamaya, baka biglang makarating kay Ria.

Ria, that babbling gossiper. Hindi ko lubos amisip

na ginawa niya yun. As if puppet lang ako na walang mararadaman.

Then Josh. Ria did him a big favor. Ganoon ba kahirap sabihin sa akin na iiwan niya rin ako at some point? Damn, if he really loves me, he would trust me with that secret.

But he did not. And ano ang masakit? I think I'm doubting our relationship.

Nagring na naman ang cellphone ko. Madali talagang mauto yung nurse na pinagbigyan ko ng number ko. Tinignan ko lang ang pagflash ng pangalan ni Dominic sa screen.

"What?!"

"Pwede bang lumabas ka--"

"Pwede bang lubayan niyo na muna ako?" Kinalas ko agad yung cellphone ko at kinuha yung sim. Tapos, binali ko 'to sa kalahati bago itapon sa basurahan.

Lumabas ako ng kwarto nang nagdidilim ang paningin. Walang nagdare na lumapit sa akin, which is good. Dumaan ako sa fire exit at umakyat papunta sa roof deck.

Mabilis akong nabasa ng ambon. Tinanggal ko yung coat ko at initsa ito sa may tabi. Tinanggal ko pati yung sapatos ko. Pumunta ako sa may isang side ng roof deck at tumingin ng diretso.

Ang miserable ng kinakalagyan ko.

Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak. Gusto kong sugurin si Josh kila Jason at hilahin siya pabalik sa amin. Alam mo yung nanggagalaiti, ganoon. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung sino pang pagkakatiwalaan ko.

I surrendered to tears. Napaupo ako at umiyak. Nanlalamig man ako, hindi ako umalis. Umiyak ako.

Para kay Josh.

Para sa akin.

Para sa amin.

~~

#VOTE PO :)))

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now