MBD 3

225 5 0
                                    

Pagland nung eroplano, ginising ko si Josh. Nakakatuwa siya pag gumigising, ang angelic ng itsura niya. His eyelids fluttered, making a smoldering effect in his deep set eyes. Nakatitig lang ako sa kanya, ta's nung bukas na yung mata niya, hindi ko pa rin tinitigan ang pagtingin.

"Yana, ayos ka lang?" Winave niya yung kamay niya sa harap ko. Niroll ko yung mata ko bago itago yung libro na 'to. Namimihasa kasi siya pag masyado akong naaaliw sa kanya.

"Pighead." Binulong ko. Tumawa lang siya. Maya maya-maya nagsalita na yung pilot.

"Passengers, we are about to land. Please put your seatbelts on." So, seatbelt naman kami. Nagbrush yung arm namin, at naalala ko ulit yung reason kung bakit ko siya binigyan ng chance.

Kasi naramdaman ko sa kanya ulit yung spark.

**** Flashback

Grade 4 ako nun. Since matagal na kaming magkaklase ng mga kaklase ko, hindi na ko natatakot pag papasok. May new students, pero madali namin silang nakasundo. Paakyat ako ng hagdan nun. Sa third floor pa room namin, ta's nakakatakot kasi ang dilim.

Napaaga ang pasok ko. Ang bell namin, 7:30 pa. E ang dating ng mga student, 7:15 pa ang mga dating. 7 pa lang. So, akyat naman daw ako. Ta's dire-diretso ako papunta sa landing ng 3rd floor ng may makabangga ako.

Mataba siya. Nakakatakot ang itsura, kasi may evil smirk. Ta's yung mata niya, nakatitig siya sa akin. Siya yung bully sa grade 5, tapos minsan, kasabay namin siya sa klase kasi bumagsak siya sa iba niyang subject.

"Hello Alyanna. Ang aga mo yata ngayon." Sa may top na kami. Hawak hawak ko yung file case ko ng maigi, in case na kailangan ko siya hampasin. Ta's lumapit siya sa akin. Muntik na ko mahulog, pero hinawakan niya left hand ko.

"Saan ka pupunta?" Ta's lumapit mukha niya. Gawd, pwede magtoothbrush pare.

"Wala kang pakialam." Matapang akong sumagot. Papatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinila pabalik. Sa gulat, nahulog ko yung file case ko.

"Saan ka pupunta?" So wala akong choice. Sinampal ko siya. Isang malakas na sampal. Wala na akong pakialam kung makita ako ng teacher or kung sino man na office personnel na nasa fourth floor lang ang office. Wala akong pakialam kung makita ako ng founder ng school na nasa fifth floor lang ang office. Self-defense na 'to.

"Anong--" Bago pa niya ako matulak, may humila sa kanya pabalik at tumakip sa akin.

"Walang mang-aaway sa bestfriend ko." Sa harap ko si Josh, nakatingin ng masama sa nambully sa akin. Natakot ako lalo kasi baka mahuli kami ng kung sino man.

"Josh, tama na." Hinawakan ko yung arm niya. Nauna ako bumaba. Narinig ko siyang sumusunod. Minamassage ko yun kamay ko. First time makasampal e. Nung nasa lobby na kami, sinabayan ako ni Josh. Nakatingin siya sa kamay ko.

"Masakit ba?" Tanong niya.

"Ah. Eh." Bigla niyang kinuha yung kamay ko ta's pinoke poke yung palad ko. Feel ko, nangamatis ako. Ta's nanginginig yung kamay ko. Ta's feel ko, natalon ang puso ko. Ano ba 'to, best friend ko, nagugustuhan ko?

"Kasi naman 'to. Basta next time, wag ka nang papacorner pag wala ako para ipagtanggol ka." Sabay akbay sa akin habang papunta kaming assembly.

**** Flashback Ends

"Wow. Nawawala ang mga sundo natin." Nakuha na namin yung mga bagahe namin. Ang dami kong dala, dalawang bag, maliban sa laptop at hand-carry ko. Si Josh, isa lang. Nakatunganga na kami sa waiting area, ang tagal kasi nila. Ta's may heels pa yung boots ko. Not really helping.

"Baka nalate lang. Anong oras na, 12? Syempre puyat na yun." Sagot ni Josh. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito, lalo na 'tong gwapo na 'to. Yung bata na malapit sa amin, lumapit. Tinitigan niya kami. Ang cute nga niya e.

"Awe yu mawid?" ( Are you married? ) Naks, English. Ang deep pa ng tanong. Natameme naman daw ako. Married? Wala namang wedding ring sa kamay ko.

"Not yet." May sumagot mula sa likod ko. Napatili ako at tinackle si Dominic. Grabe. Three months lang ang nakalipas ng huli ko sila makita, pero sobrang namiss ko sila.

"Oh my gulay. Hindi niyo man lang sa akin sinabi na ang gwapo ng mokong na 'to in person. Pagpapalit ko na si Patrick!" Sabay yakap sa akin ni Hazel. Si Patrick naman kasi, fixed yung kanila. Nung una, wala talaga. Major away, pero naayos din nila. Lahat naman tayo may point of realization.

"Back off. He's mine." Palaro kong sinabi. Hinug ko rin si Chai at Marielle. Reunion ang dating namin dito, ta's ang ingay pa namin. Hindi nga OP si Josh e, kasi nakilala niya na sila dati.

"Dali na. Nako, yung mga hinanda natin!" Nagmamadali si Chai pumunta sa sasakyan na dala nila. Nagulat ako kasi dalawa yung dala nila na sasakyan, yung kay Dominic at kay Hazel.

"Okay? Saan kami sasakay?" Nakita ko na yung gamit ni Josh nilalagay sa sasakyan ni Dominic, ta's yung akin kay Hazel. Tinaasan ko sila ng kilay.

"May meeting kami. Dyan ka kay Hazel. Siya bahala sayo." Nagwink si Marielle bago pumasok sa sasakyan ni Dominic. Nauna sila umalis. Nagflying kiss pa si Josh sa akin. Yung iba naman, nagkissing sounds. Mga inggit lang sila

"Oy retarded, pasok na. Sige ka, paglakarin kita dyan" Nakasakay na si Hazel sa sasakyan, ngingisi ngisi.

"Ako paglalakarin mo? Sira ka ba?" Pagpasok ko, tinuro ko yung boots ko. Binelatan niya lang ako.

"Hay nako. Kung alam mo lang na mas nakakawindang ang kwento ko kaysa sa boots mo"

"So, anong nakakawindang ang ikkwento mo? Ano nangyari pagkaalis ko?" Nasa kalagitnaan kami ng intersection. Ang tagal ng stoplight. Gabi na 'to a, ta's ganyan pa rin.

"Sayang umalis ka! Nakakainis ka talaga. Alam mo bang dapat magkaklase na tayo nila Chai at Dominic" Nagulat ako dun. Nag-go ang mga sasakyan. Napa-weh ako, ta's nagnod lang si Hazel.

"Sayang talaga. Nakakainis." Naggroan ako.

"Alam mo bang kaklase rin dapat natin yung karamihan sa mga kasection natin nung third year." Isa pang regret. Nagpout ako.

"Pero alam mo kung ano ang pinakamalala?"

"Ano?"

"Kaklase rin dapat natin si Justine at Tricia." Feel ko lumuwa ang eyeballs ko. Super-weh. Napa-oh ako. Nag-sigh lang si Hazel.

"Sayang talaga." I muttered sarcastically. Nagstop ulit yung sasakyan. May inabot si Hazel mula sa backseat. Isang photo album at isang scrapbook. Inabot niya yun sa akin. Binuksan ko muna yung photo album. Nakabungad yung class picture nila, na dapat sana ay nandun ako.

———————————

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now