MBD 32

52 4 0
                                    

Yana's POV

May humihila ng kumot ko. Umagang umaga naman, ang gulo ni Josh. Late na nga ako nakauwi kagabi kasi nag-overtime ako para hindi ako masyadong mamomroblema ngayon.

Oo. Ngayon. Kasi anniversary namin ngayon.

"Babe, ano ba? Magpatulog ka naman." Hinampas ko yung nakapatong sa akin. Unan yata 'yon, kasi malambot?

Kinapa kapa ko yung nakadagan sa akin. In fairness, mabigat siya. Habang nakapa ako, may nahawakan ako na matigas.

At malapit yon sa mukha ko.

"AAAAAAAAAAAH!" Sumigaw ako pagkabukas ko ng mga mata ko.

Tinulak ko papalayo yung taong naka-Jollibee na costume. Putek. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng suotin diba? Mabilis kong inabot iyong malaking pamalo sa ilalim ng kama namin. Tinaas ko ito at tinignan ng masama si Jollibee man. Nilagay niya ang kamay niya sa likod at nagtaas ng white flag. Magkamatayan na. Kung sino man 'tong tao na 'to, wala akong pakialam. Mamaya marape pa ako e.

Joshua Salvador, lumabas ka o babalatan kita ng buhay.

Hinataw ko yung pamalo sa tiyan ni Jollibee man. Napaupo siya sa lakas ng palo ko. Tinaas niya yung kamay niya at tinakpan yung sarili niya. Tinanggal niya yung ulong part ng costume niya.

Oops.

"Babe. Wag mo naman akong patayin." Hingal na hingal si Josh. Nakahawak siya sa may tiyan niya. Mukhang hindi siya makatayo.

Oops talaga.

"Sorry Babe!" Binitawan ko yung pamalo at tumakbo sa kanya.

"Ikaw naman kasi Babe. Wag kang manggugulat." Matawa tawa ako sa itsura niya. Akala ko nga gaganti na siya e.

"Dapat pala sinabihan muna kita." Napakamot lang siya sa ulo. Tuluyan na kong natawa.

Inalalayan ko siya patayo. Ang taba nung Jollibee na costume a, kasi hindi kami magkasya ng sabay sa pintuan.

"Happy Anniversary!" Binaba ni Tricia yung hawak niya na cake. Si Jason naman, inaayos yung mga plato. Nako, mga baliw ang sasalo sa kanila.

"Thank you, Trish." Niyakap nila ang isa't isa.

"Tanggalin mo nga yan." Tinulak ni Tricia si Josh.

"I'm enjoying it." Nagpumilit siya.

Buti na lang at naisipan nilang lumipat sa may living room. Nagsalo salo kami sa cake, omelette, sinangag, tapa, tocino, at hotdog. Pagkatapos nito, nagligpit sila.

Well, yung mga babae.

"Dali na Tricia ko." Nilandi landi ni Jason si Tricia. Jusko po. Pwede bang sumuka? Kinikilabutan ako sa kanila. Ano 'to? Pre-marriage syndrome? WTH.

"Jason ko. Ang daya mo naman e." Nagpout si Tricia. Dapat talaga tatawanan ko na sila.

Kaso dumating yung sarili kong prince charming.

"I'll make it up to you." Onting salita lang napasunod na niya ko.

I HATE IT.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

THIRD PERSON'S POV

Lumabas ang magkapatid sa unit. Bumaba sa lobby. Dumiretso sa may malapit sa pool. Umupo sila sa may dulo nun habang nakasawsaw yung paa sa may tubig.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Sinimulan ni Josh.

"Alam mo kung ano ang gusto kong malaman."

"Yun lang ang magagawa ko para sa kanya." Napayuko si Josh.

"Pwede namang hindi paabutin sa panahon na 'yon na lang ang tanging pagpipilian 'di ba?"

Hindi alam ni Jason kung ano pa ang sasabihin sa kapatid. They have had this conversation before. At ibang klase talaga si Josh. Ni minsan hindi siya nagdoubt sa desisyon na iyon.

"So, iiwan mo na lang siya?"

"It's the only way."

"Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa kanya 'yon? Alam niya yung feeling ng talikuran ng mga taong minahal niya. Tapos gagawin mo yan sa kanya? Hindi ko alam kung inutil ka o g-go lang talaga."

Hinubad ni Jason yung t-shirt niya at nagdive sa pool.

"Pwede wag mong gayahin si Justine?"

Kailangan niya magpalamig ng ulo. Kahit na mahal niya ang kapatid niya, para sa kanya hindi tama ang gagawin nito.

Mabilis nahabol ni Josh ang kanyang kapatid. Kahit kapos sa hangin, patuloy siyang lumangoy.

"Ku-ya." Hinawakan ni Josh ang braso ni Jason. Hinang-hina ito.

"Josh!" Inalalayan ni Jason si Josh papaakyat sa pool. Humiga lang si Josh sa sahig, medyo namumutla.

"Bakit ka ba naman kasi lumusob?" Gusto ni Jason suntukin ang sarili niya. Kahit na gaano siya kagalit, hindi niya dapat ginawa 'yon.

"Kasi alam ko, ikaw lang magiging kakampi ko sa huli. Hindi ko kaya na magalit ka sa akin." Mahinang sinabi ni Josh.

Gustong umiyak ni Jason. Nangako pa naman siyang makakasama ni Josh hanggang sa huli.

——————————–

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now