Thirty-Four]

921 27 0
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

Lhenzified©2014

Chapter Thirty-Four

Ice's POV

2nd day ng pagiging sobrang tahimik ni kuya. As in sobrang oa na siya ah. Simula kagabi hanggang kaninang umaga sa agahan, ni isang salita ay wala siyang nilalabas sa kanyang bunganga. Bestfriend na nga ata niya yung earphones niya eh kasi simula ng pagbaba namin sa kotse hanggang sa pumasok kami ng room, hanggang sa kumain na kami sa canteen ay suot niya parin ang kanyang earphones.

Hindi namin kasabay kumain si Faye dahil sumama siya kay Ailee, yung bestfriend niya at sa mga clubmates. Haaay. At hindi parin sila nagpapansinan. Hindi pa ba nila inaayos yung gulo na meron sila?

"Flame, you're not touching your food. Can I have it?" Tanong ni Tail kay Kuya Flame.

Inusog ni kuya ang kanyang pagkain kay Tail at inupakan na niya eto. Psh takaw.

Napatigil sa pagkain si Tail at tumingin sa akin. "Tell me Ice, Is it my fault?" Tanong niya na may bahid ng pagkaguilty sa kanyang boses.

"Ha? What are you talking about?"

Hindi na nakasagot si Tail sa aking tanong dahil biglang sumingit si kuya. "Tail, let's talk." Nasa boses niya na nag-uutos siya.

"Can it wait? I need to finish my meal first." Sabi ni Tail na may laman pa ang kanyang bunganga.

"It can't"

Napagdesisyunan nilang mag-usap sa rooftop at sumama ako. Medyo kinakabahan kasi ako sa kung anong gawin nila eh kaya kailangan nandun ako.

"Now what?" Badtrip na sabi ni Tail nang nakaabot na kami sa rooftop. Nainis siya kasi hindi niya naubos ang kanyang pagkain.

Naglakad palapit si kuya kay Tail at bigla niya etong kinwelyuhan.

"Kuya anong ginagawa mo?!" Sigaw ko.

"This is all your fault you dipstick!" Sigaw ni kuya habang hindi parin niya binibitawan si Tail sa kanyang kwelyo.

"Whoa. I know its my fault, but its not entirely mine." Seryosong sabi ni Tail at nakatingin lang siya sa mga mata ni Kuya. Pwede ko silang takbuhan at pigilan pero parang may pumipigil sa akin sa paggawa neto. "Its not my fault that your girlfriend is not open-minded that she can't understand what you are."

"Kuya!" Sumigaw ako nang biglang sinuntok ni Kuya si Tail na sa sobrang lakas ay tumalsik siya sa sahig ng rooftop.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGOù les histoires vivent. Découvrez maintenant