Twenty-Eight]

1.2K 26 6
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos
Lhenzified©2014

Chapter Twenty Eight//

Ice's POV

"Kuya dumating ka na pala." Salubong ko kay kuya Flame nang pumasok na siya ng kwarto.

"Ay hindi wala pa ako." Pilosopo niyang sagot.

"Wow pilosopo ka na ngayon ah. Mukhang good vibes ka sa date nyo ni Faye ah." Hindi lang niya ako sinagot. Kahit kailan talaga ang suplado ng pangit na'to.

"Hoy! Di ako pangit ha. Sabi nga ni Frail gwapo ako eh." At nabasa na naman niya ang aking isip.

"Weh? Di nga? Sya sasabihin nya yun? Hahahaha." Ang galing na pala magbiro ni kuya.

"Sunugin kita jan eh. Nabasa ko kaya yun sa isip niya." Sabi niya at binagsak ang kanyang katawan sa maliit naming sofa.

"Kuya naman eh! Diba sabi ko sayo subukan mong wag basahin yung isip niya. Edi parang walang thrill yung naging date nyo." Binato niya sa akin yung maliit na unan sa sofa.

"Nung tumagal naman di ko na binabasa yung isip niya eh." Sabi ni kuya.

"Kuya, may nakausap akong isang  Nêteru kanina gamit ang aking isip." Biglang siyang napaupo sa kanyang pagkakahiga at tumingin sa akin.

"Oh anong sabi niya?" Interesado niyang tanong.

"Nanghihingi siya ng tulong. Tapos nung tinanong ko kung nasan ba siya, biglang naging choppy. Posible pala yun nuh? Kala ko sa cellphone lang merong choppy choppy, may signal din pala yung mental telekinesis." Sabi ko.

"Alam mo Ice, meron din akong nakausap dati. Nanghihingi din siya ng tulong. Hindi kaya iisang tao lang yung nakausap natin?" Humiga siya sa sofa at naglabas ng maliit na apoy sa kanyang kamay. Nilaro-laro niya eto. Madalas ganyan si kuya pag nabobored, laging naglalaro ng apoy. Children, wag pong gayahin si kuya Flame~

"Hindi ko din alam kuya eh. Tanungin na kaya natin si Curse ngayon?" Suhestiyon ko.

"Bukas nalang. Pagod na ako eh." Sabi niya.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon