Forty-Two]

725 28 3
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

Lhenzified©2015



Chapter Forty-Two//



Curse's POV



Sumunod kami sa kanila. Nauna ang kanyang ama, tapos yung mamang nagsundo sa amin, si Aura, ako, at yung dalawa. Pumasok kami sa isang sira-sirang pintuan. Bumungad sa amin ang isang lugar na puno ng mga ugat ng mga puno, at mga batong iba-iba ang hugis na galing sa nasirang bubungan at dingding. Kaunting sinag lang din ng araw ang nakikita, sapat na para makita kung gaano napabayaan ng panahon ang lugar na eto.



Naglakad ang kanyang ama papunta sa nag-iisang rebultong nasisinagan ng katiting na ilaw galing sa palubog na araw. Isa etong rebulto ng isang babaeng may sampung kamay at may labin-isang mukha. Pinihit niya ang isa sa mga kamay neto at biglang nayanig ang buong gusali. Nagsimula akong mawalan ng balanse dahil sa malakas na pagyanig hanggang sa unti-unti ay bumukas ang isang lagusan sa likod ng istatwa.



"One secret of this temple is this Prajnaparamita Statue. Her hands are bound to different passages in this temple.", pagpapaliwanag ng ama ni Aura. Tumingin ako kay Aura na nakatingin rin sa akin at ngumiti siya. Ngumiti ako pabalik.



"Let's go?" Pagpuputol ng kanyang ama sa amin. Sumunod kami sa kanya papunta sa lagusang iyon at namangha ako na ang lagusang eto ay may hagdan patungo sa isang napakadilim na lugar. Lumingon muna siya sa amin bago may kinuha na isang lampara na nakuha niya sa likod ng rebulto. Pinihit niya eto at sumindi ang isang ilaw na magdadala sa amin sa kung anong nasa dulo ng hagdang eto.



Biglang nagsara ang pintuan sa aming likod na naging dahilan para mapasigaw ng bahagya si Ice at Happy. Tinignan ko sila. "Kakatakot." Sabi ni Ice habang patuloy kami sa pagtahak ng mahabang hagdan. Nag-iisa lang ang ilaw na nagsisilbing gabay namin sa madilim at masikip na lugar na eto, at hawak-hawak iyon ng ama ni Aura.



Inabot kami ng halos kalahating oras sa pagtahak ng hagdan bago kami napunta sa isang lugar na walang kasiguraduhan dahil sa sobrang dilim ng tingin ko ay isang kwarto. Tanging ang ilaw lang na dala ng ama ni Aura ang aming liwanag.



Naglakad ang kanyang ama papunta sa isang sulok ng kwarto at biglang nagliwanag ang paligid. Isa nga etong maliit na kwarto na ang liwanag ay galing sa mga maliliit na lampara na nakasabit sa mga dingding. Hindi eto tulad ng sa pinanggalingan namin sa taas na sirang-sira dulot ng panahon.



Napakaayos ng buong lugar, malinis, organized at ni wala kang mababakas na dumi. Kahit napakaliit lang nito ay nagkasya ang isang kama na kasya na ang dalawang tao, isang lamesa at dalawang upuan, isang maliit na bookshelf at maliit na kusina.



"This is where Aura and I was staying. Suit yourself please." Wika ng kanyang ama.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now