Twenty-Seven]

1.2K 31 4
                                    

Flame and Ice: The Twin Of Chaos
©Lhenzified 2014

Chapter Twenty Seven//

Flame's POV

Tumingin ako sa aking relo habang nakaupo parin sa isang upuan sa loob ng starbucks.

Aish! Ang tagal naman ng babaeng yun. Paimportante dapat?!

Maya-maya lang ay nakita ko na ang papalapit na Frail sa akin. "Sorry nalate ako." Sabi niya.

"Psh." Tumayo ako at inurong yung upuan kung saan siya uupo. Tumingin siya sa akin nang may pagtataka. "Umupo ka na!" Utos ko.

Umupo siya doon at inayos ko ng bahagya yung kanyang upuan. "Gentleman ka na sana eh kasu parang inutusan mo naman akong umupo." sabi niya.

"Nagrereklamo ka pa." Sabi ko at bigla siyang nagsmirk. Gaya-gaya. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ko.

"Mamaya na kaya tayo kumain? Nagugutom ka na ba?"

"Hindi pa naman." Sabi ko.

"Mag order nalang tayo ng frap tapos bumili na tayo ng ticket sa sine." Pagbibigay niya ng suhestiyon.

Demanding ng babaeng to. "May magagawa pa ba ako." Tatayo din sana siya nang hinawakan ko sya sa kanyang balikat at tinulak paupo. "Umupo ka lang! Ako na bibili."

Naglakad na ako papunta sa counter nang marinig ko siyang nagsalita. "Gentleman pero ang sungit." Mareklamo talaga tong babaeng to.

Naglakad na kami papunta sa bilihan ng ticket habang hawak-hawak namin ang aming inumin.

"Ano bang gusto mong panoorin Flame?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw?"

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now