Twenty]

1.4K 33 1
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

Chapter Twenty//

Flame's POV

Nilibot ko ang aking paningin at nasa isang lugar ako na hindi ko mapagtanto kung saan. Punung-puno ang buong lugar ng maitim na usok. Naglakad ako sa lupang sobrang lambot na halos lumubog na ang aking mga paa sa aking tinatapakan. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may matapakan akong mga buto. Tiningnan ko ang natapakan ko at nagulat ako na mga buto eto ng mga tao.

Nakaramdam ako ng kaba sa aking natagpuan. Nasaan ako?! Anong ginagawa ko dito?!

 

"Kuya!" Napalingon ako at nakita ko si Ice at kasama niya si Curse at Happy.

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig. Nakita ko na may kasama din sila - isang lalaki at tatlong babae na hindi pamilyar ang kanilang mga mukha. Sino sila?

Boom!

Napalingon ako sa isang malakas na pagsabog sa aking likuran at nakita ko ang isang malaking anyo ng tao ngunit nababalutan siya ng dilim at ang tanging makikita mo lang sa kanya ay ang kanyang mga mapupulang mata.

Nagulat naman ako nang nasa tabi ko na sila Ice at ang 4 na hindi ko kakilala. Bale 8 kami ngayon na nakaharap sa itim na human figure na yun pero mas nagulat ako nang may apoy na lumabas sa aking kamay. Tumingin ako sa kanan ko at nakita kong si Ice na umuusok ang kamay sa sobrang lamig, kay Happy na tinatanggal ang gloves sa kanyang kamay, at kay Curse na inangat ang mga bato sa kanyang gilid. Tumingin ako sa aking kaliwa at nakita ko ang lalaking nasa tabi ko na nagtransform into a kind of beast na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko, ang isang babae na blonde ay may hawak na maliit na buhawi sa kanyang kanang kamay at kidlat sa kaliwang kamay, ang babaeng katabi niya ay biglang tinubuan ng bakal na pakpak at unti-unting nagtransform ang kanyang mga kamay sa dalawang canon, at ang babae sa dulo na may maiksing buhok ay biglang nawala.

Nayanig ang buong lugar ng tumawa ang itim na figure sa harap namin.

 

"Nagkita narin tayo mga Nêteru."

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now