Three (1)]

2.1K 44 4
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013


Chapter Three (Part One) //

Ice's POV

"Kuya! Gising na." Gising ko sa kuya Flame ko. Paano ba naman, hindi parin nagising hanggang ngayon eh 6:30 na. Sa school namin kasi, 8 start ng classes pero kailangan 30 minutes before time, andun na lahat. Tapos wala namang ginagawa sa 30 minutes na yun, ano pang purpose nun diba?

"Uhmm." Yun lang ang nasabi niya at tinakpan ng unan ang kanyang tenga.

"Kuya gising na." Sabay yugyog ko sa kanya.

Hindi lang siya umimik.

"Ayaw mong gumising ha. Kikiss kita."

Umakyat na ako sa higaan nya. Nasa taas kasi yung kama nya kasi yung sa ilalim ng kama niya ay yung study table nya na alam ko namang hindi niya ginagamit. Ganun din yung kama ko, nasa taas yung higaan tapos sa baba ay study table. Nasa iisang kwarto lang din naman kami netong si kuya.

"Kuya ikikiss na kita. Bwahahahaha." Hindi lang siya umiimik. Ayaw mong magising ha.

Tsup

"Aish! Iceeeee!"

Bumaba kaagad ako at tumawa ng malakas.

"Ayaw mo kasing magising kuya eh. Bwahahahaha". Inis na inis siyang pinupunasan ang kanyang pisnging kiniss ko. Haha

"Kahit kelan talaga Ice! Kadiri ka!" Bumaba na siya sa kanyang kama at siguradong hahabulin nanaman ako neto.

"Kasi kuya ayaw mo. Aaaaaaahhh"

Eto na hinabol na niya ako!

"Bleeh! Di mo ako mahahabol! :p"

Dahil sa malaki din ang aming kwarto ay talagang nakakapaghabulan pa kami sa loob.

"Sir Flame, sir Ice. Kain na daw po sabi ng mom and dad nyo." Sabi nung isang boses sa labas ng aming kwarto.

"Opo Aling Lucy!" Sigaw ko para marinig ni manang sa labas.

"Susunod na po kami. Papatayin ko lang tong yelong to." Ayan na naman si kuya sa pagtawag sakin na yelo.

"Kuya naman, bakit mo nanaman ako tinatawag na yelo." Tumigil na ako sa pagtakbo kaya naman nahuli ako ng kuya ko.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now