Forty(2)]

906 29 7
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos
Lhenzified©2014

Chapter Forty (Part 2)//

Flame's POV

Papalapit na ako papunta sa pintuan ng kanilang bahay at mas bumibilis ang tibok ng aking puso sa bawat hakbang na aking tinatahak. Oo, kinakabahan ako at nababatid kong nanginginig ang aking mga tuhod sa pagtatagpong magaganap. At hindi ko alam kung bakit nagiging makata ako sa oras na eto.

Nasa likod lang ako ni Frail, sumusunod sa kanyang mga hakbang. Lumingon siya sa akin, "Flame, ang bagal mong maglakad."

"Ha? Masakit paa ko eh.". Naglakad siya pabalik sa akin at nginitian ako.

"Wag kang mag alala. Hindi nangangagat ang parents ko."

"Tsk. Di ako kinakabahan nuh."

"Wala akong sinasabi na kinakabahan ka. Defensive monster.", bigla niyang kinurot ang aking pisngi.

"Aray ko!", sigaw ko sa kanya at bigla kong naisip na nasa tapat pala kami ng kanilang bahay, at baka iniisip ng mga magulang niya na sinasaktan ko yung anak nila. "Bakit si Happy ka na ba na kayang makita ang damdamin ng mga tao? At bakit monster? Ang gwapo ko atang halimaw."

Umiling siya, "hindi ko kailangan ang powers ni Happy para malaman kung anong nararamdaman mo, kasi makikita naman sa mata mo na kinakabahan ka eh.". Sunod niyang kinurot ang aking ilong. Pinigilan ko ang aking sigaw dahil baka naririnig ako ng mga parents niya.

Isa pa. Hahalikan na talaga kita.
Sabi ko sa kanyang isip na nagbunga ng kanyang pagkagulat sa kanyang mga mata.
"Gotcha!" Sabi ko, kasabay ng kanyang pamumula. "Tara na nga." Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at tumingin sa kanya.
I'm honestly nervous.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Gotcha too!"

"H-hey!". Sinabi ko yun dahil umaasa akong tutulungan niya akong pawalain ang kaba ko, pero inasar niya lang ako. Naramdaman kong pinisil niya ang aking kamay na hawak ang sa kanya.

"Don't be. I'm just always be here at your side." . At hindi ko alam pero biglang nawala yung kaba ko habang tinahak na namin ang kanilang bahay.

Pagkapasok namin ng bahay ay nakasalubong na namin kaagad ang kanyang mga magulang. Ang kanyang mama ay nakangiti sa akin pero ang kanyang papa ay nakatingin lang sa akin ng diretso. Napalunok ako at pinisil ang kamay ni Frail, pumisil naman siya pabalik.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now