Thirty-Five]

827 28 0
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos
Lhenzified©2014

Chapter Thirty-Five

Athena's POV

"Mam Athena may naghahanap po sa inyo sa baba." Sabi ni Aling Lucy matapos siyang kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

Binuksan ko ang aking pintuan at tinanong siya. "Sino daw po iyon?"

"Si Crustaceous daw po. At pinapasabi niya po na siya lang po mag-isa." Nagulat ako sa sinabi ni manang. Si Crustaceous? Paano siya nakawala sa sumpa ni Ama na ikulong siya sa katawan ng isang talangka? At paano niya ako nahanap? Pero hindi, baka kapangalan niya lang eto.

"Nasa labas pa naman siya ng gate natin diba manang? Pwede nyo po bang idescribe ang itsura niya?" Nanginginig kong tanong. Sana hindi pa siya pinapasok ni manang at sana hindi siya ang Crustaceous na nagtraydor kay Ama.

"Opo mam. Hindi po ako magpapapasok ng hindi ko kakilala. Matanda na po siya at ang kanyang buhok ay mahaba at puti, at ganoon rin ang kanyang mahabang bigote na umabot hanggang sa kanyang tiyan." Tumigil ang aking mundo nang malaman kong siya ang taong kinakatakutan ko. "Ay muntik ko na pong makalimutan. Pinapabigay niya po pala eto pero maghihintay daw po siya sa labas." Inabot ni manang ang isang sulat na nakalagay sa isang scroll. "Hindi ko po alam na uso pa po pala ang ganitong uri ng sulat. Hehe. O sige po mam, may gagawin pa po ako eh."

"Sige po. Thank you manang." Tinignan ko siyang naglakad pababa ng hagdan at sinarado ang aking pintuan.

Kinakabahan at nanginginig kong hinawakan ang scroll na binigay ni Crustaceous. Tinanggal ko ang tali neto at nakapikit kong binuksan kung anong meron ang kanyang kasulatan. Maraming alam si Crustaceous sa mga mahika kaya siya naging kanang kamay, mensahero at tagapayo ni Ama. Nasa isip ko na baka ang hawak ko ngayon ay nababalot ng mahika para puksain ako o ikulong ako o kung ano pang masasamang mga bagay na pwedeng gawin sa akin.

Matapos ang ilang minuto na nakapikit ako at nakatapat ang kanyang sulat sa aking mukha, walang nangyari sa akin. Binuklat ko na ang aking mga mata at nakita sa aking harap ang isang kasulatan na punung-puno ng mga simbolo, hugis at mga linya. Hindi ko eto mabasa at naalala ko nung hindi niya pa tinatraydor si Ama, na ang bawat ginagawa niyang sulat ay nilalagyan niya ng mahika na kung saan walang makakabasa nito kundi ang pararatingan lang ng kanyang mensahe. "Isang patak ng dugo ng pararatingan ang kailangan, upang mensahe'y mapagbigyan." Sa taas ng scroll ay isang napakaliit na kutsilyo. Kinuha ko eto at dahan-dahang idinaplis ang tulis neto sa aking pulso. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para tiisin ang sakit. Nang may lumabas na na dugo, ay ipinatak ko eto sa kasulatan. Biglang nagliwanag ang bawat simbolo, hugis at linyang nakaukit sa kasulatan, at mabilis etong gumalaw hanggang sa unti-unting nawala ang liwanag.

Binasa ko na eto.

Athena Atalanta, Son of Poseidon, Former Heart of the ocean, Princess of Oceana.

I know what you've became and it was what it was engraved in the prophecy. . You have granted the first prognosis - a woman, half immortal-half mortal, will conceive a twin that will vanquish the Lord of Chaos: one who throned a sigil of a triangle and a circle, Dalmaa Rowa.
One of them bears the power of life and the other the legacy of death. Have you bethink what I foretold you when you were young? The Chaos can only be defied by the synthesis of Life and Death. Your sons are the totem of Life and Death, the twin that can only assail Dalmaa Rowa, the Neterus that will save both the world of mortal and the immortal.
What I admire you to suffice is to bestow them the guidance that they'll thirst of. Shepherd them of what they are, of who they are, and what they're capable of. You shall always put them together for they are disjoined, they'll be mortal, but together, they're immortal.
Never exist to desist them from being who they are. You cannot restrain them nor cease what is to be done. You must remember that the more you resist fate, the more it will bawl them.
Their name day will before long forth and you shall prepare them for whatever will perceive.

Until we meet again my princess.
-Crustaceous.

Tumakbo ako pababa ng hagdan at papunta ng gate matapos kong mabasa ang kanyang sulat pero wala na siya doon.

Mas lalo akong naguluhan sa kanyang mga sinabi at ang daming mga pumapasok na tanong sa aking isipan na gusto kong sagutin niya.

Pero alam ko na isa lang ang kasagutan sa lahat ng mga yun.

Ang sundin kung ano ang nakatadhana kay Flame at Ice.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now