Thirty-Three]

921 27 2
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos
Lhenzified©2014

Chapter Thirty-Three

Ice's POV

Napatayo ako sa aking higaan nang magbukas ang pintuan ng aking kwarto. Niluwa neto si kuya na nakabusangot ang mukha. "Kuya! Anong nangyari sayo?"

Umakyat siya sa kanyang higaan at nagtakip ng kumot.

Snob.

Mukhang di siya ok. "Did something happened between you and Faye?"

She never understands us.
Sabi niya sa aking isip na may bakas ng pagod sa kanyang boses.

"What?" Tanong ko na hindi siya masyadong nagets pero wala lang siyang sinagot doon. Haaay. Mukhang badtrip nga etong pangit na'to. Mas mabuti ng hindi ko guluhin eto.

-------

Hinatid kami ni Dad papunta ng school and the whole 15 minutes ng aming byahe ay tahimik lang si kuya.

Hindi kaya bumalik na naman siya sa dating sya?! Yung pagiging tahimik at cold niya, na kapag nagsasalita siya ay hindi magaganda ang nilalabas ng kanyang bunganga. Pero siguro mas gugustuhin ko pa yung dating siya kesa yung nakasama ko ngayon. Paano ba naman, ilang beses ko siyang sinusubukang kausapin sa pagitan ng kanyang earphones, na alam ko ay naririnig niya ako, pero hindi niya lang ako pinapansin. Kahit si dad sinubukan siyang kausapin pero nagpapanggap lang siyang hindi nakikinig at nakatingin lang sa bintana ng kotse.

"Ice is your brother ok? He seems... Silent." Sabi ni Dad pagkababa namin ng kotse ni kuya.

"Dad naman. Parang di ka sanay kay kuya. Ganyan naman siya lagi eh." Tinignan ko siyang naunang pumasok sa gate ng school namin.

"I thought he somehow changed. Do you think he have some misunderstandings with his girl?" Kilala na niya kung sino yung girlfriend ni kuya at dahil yun sa pagkadulas ng dila ko. Nasabi ko kay mom and dad ang tungkol kay kuya at kay Faye.

"I guess so dad."

Nadisappoint siya sa sinabi ko at tingin ko dahil yun sa hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si kuya. How I wish mahiram ko yung mind-reading ability ni kuya para malaman ko kung anong nangyayari sa kanya.

-------

Sa loob ng room...

"Hi Faye." Bati ko kay Faye nang makita ko siyang nakaupo sa kanyang upuan.

"Uhmm... Hi?" Awkward niyang bati. Nakita kong nagkatinginan silang dalawa ni kuya pero unang umiwas si kuya at umupo na sa kanyang upuan.

"Did you guys fought?" Tanong ko sa kanilang dalawa pero walang sumagot. Si Faye binuklat ang history book niya at nagbasa nalang.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong classroom at napansing wala parin si Toffee. Bakit absent parin siya hanggang ngayon? Mag 3 days na syang wala ah, baka ma undertaking na naman siya dahil sa absences niya. Hanggang 5 days lang ang allowable na absent sa school namin eh. Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Tail.

"Hey Ice." Bati niya. "Hey F....Flame." Tinignan lang siya ni Flame dahil narinig niya eto kahit naka earphones eto. Perks of having a super-hearing ability. "Hey Faye."

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now