Thirty-Eight]

956 30 10
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

Lhenzified©2014

Chapter Thirty-Eight

Ice's POV

Nawalan ng malay si kuya sa kusina kaya sinubukan ko siyang buhatin sa kayang pagkakahiga ngunit napaso lang ako sa kanyang nag-iinit na katawan. Siguro ay naging mechanical defense na niya ang pag-init ng kanyang katawan pero sana alam niya na hindi ko siya sasaktan kaya sana magpalamig na siya. Haay.

Maya-maya lang ay bumaba na si Dad at Mom dahil tinawag ko sila kanina sa sobrang pagpapanic sa pagbagsak ni kuya, pero nagsisisi na ako ngayon kung bakit ko pa sila tinawag. Nakakaistorbo lang ako sa kanila.

"Ice, what happened to your brother?" Batid ko sa boses ni Dad ang kaunting bahid ng pagpapanic.

"I don't know... Don't touch him!" Napatigil si Dad sa muntikan ng paghawak kay kuya at tumingin sa akin. "He might burn you Dad, he's really hot right now." Sabi ko.

Pinalamig ko ang buo kong katawan at naglakad palapit kay kuya na hanggang ngayon ay nasa sahig. Nakasandal ang kanyang likod sa gas stove habang nakayuko ang kanyang ulo, ang mga bubog ng nabasag na baso sa kanyang gilid. Sigurado akong nawalan lang siya ng malay dahil nakikita ko pa ang pagtaas-baba ng kanyang balikat bunga ng kanyang malalim na paghinga. Tinupi ko ang aking mga tuhod at kinuha ang kanyang mga kamay para ilagay siya sa aking likod.

Nagawa kong maisakay si kuya sa aking likod at unti-unting tumayo sa aking tuhod. Kinagat ko ang aking labi sa init ng katawan ng nakasampa sa aking likod.

"Ice!" Sigaw ni mom at napatakbo siya sa akin dahil umuusok ang likod ko kung saan naglalaban ang aking lamig sa kanyang init.

"Don't worry mom. I'm ok, I can fight his heat with my cold." Nararamdaman kong mas umiinit si kuya sa aking likod kaya mas pinalamig ko pa ang aking sarili. "And... If... I have burns, I can heal really fast." Nasabi ko yun dahil mukhang hindi ko kayang mahigitan ang init ni kuya at tingin ko ay hindi lang aking damit ang masusunog kundi pati ang aking balat.

Hindi kaya lumalabas na naman ang Phoenix's Flame kay kuya?

-------

Nagising ako kinabukasan at nakita kong di parin nagigising si kuya. Umunat ako ng kaunti at bumaba na sa aking kama. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang noo. Mainit parin siya pero hindi na siya yung kasing init nang kagabi.

Naglakad ako papunta sa cr at hinubad ang aking damit. Lumapit ako sa salamin at tinignan ang nasunog kong balat sa likod. Bunga eto ng init ni kuya kagabi na hindi ko na nakayanang labanan at lumampas na sa binalot kong lamig sa aking katawan.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon