Twelve(1)]

1.5K 34 1
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

Chapter Twelve(Part One) //

Athena's POV 

*******

Binyag noon ni Flame at Ice nang dumating si Papa na nasa anyong tao niya.

"Pa, dumating ka!"

Tapos napatakbo ako palapit sa kanya at niyakap siyang mahigpit dala na rin ng  sobrang excitement. Sobrang namiss ko siya eh.

 

"Kamusta na ang Oceana pa? Namiss ko kayo."

 

"Ako din anak. Matiwasay ng nabubuhay ang Oceana kaya wag ka ng mag-alala. Asan na ang aking mga apo?"Tapos inikot niya ang tingin sa paligid para hanapin ang aking mga anak.

Lumapit naman si Xavien na karga-karga si Flame at si manang naman na karga-karga si Ice. Ang hirap pala talagang mag-alaga ng kambal, double the trouble pero double the fun :))) . Wag kayo! Kay Xavien ko natutunan yang katagang yan.

 

"Magandang araw po sir. Mabuti naman po at nakadalaw po kayo."Bati ni Xavien kay Papa.

 

"Magandang araw Xavien. Syempre, hindi pwedeng mawala ako sa binyag ng apo ko. Pwede ko bang mahawakan sila?" Sabi ni Papa.

 

"Sige po." Tapos binigay na niya si Flame sa kamay ni Poseidon.

 

"Ako nalang kay Ice Hon." Sabi ko.

 

"O sige Hon. Balik muna ako sa loob ha, may mga bisita pa tayo eh. Sige po sir." At nagpaalam na siya kay Papa.

Tumango lang si Papa bilang pagsang-ayon.

"Bakit naman ganun yung asawa mo anak, sir parin tawag sa akin." Sabi ni Papa at tumawa siya ng bahagya.

 

"Haha ewan ko nga po dun eh. Sabi ko nga sa kanya tawag nalang sa'yo papa kaso nahihiya daw siya sa'yo."

At nagtawanan na kaming dalawa. Namiss ko tong bonding naming mag-ama nung nasa Oceana pa ako.

 

"Ay Pa, bakit ka pala naparito?" Nagulat lang kasi ako sa presensya niya eh alam ko namang sobrang busy siya sa Oceana tsaka naiintindihan ko naman yun kung hindi niya magawang makadalaw.

 

"Bakit, bawal nabang bisitahin ang aking pinakamagandang anak?" sabi ni Papa.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now