Fifteen]

1.4K 25 3
                                    

Dedicated sa kanya ang chapter na eto dahil bigla niya akong minessage sa wattpad na nagustuhan daw niya ang story na eto at gusto niyang makapag update na ako. Oh well, its kinda motivator for me lalo na at I’m suffering from WRITER’s BLOCK nung ginagawa ko ang chapter na’to. Salamat kuya sa pag aapreciate ng story ^__^

 

 

 

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

Chapter Fifteen//

Frail's POV

Nandito ako ngayon sa hospital, sa waiting area exactly at nahihilo din ako sa lalaking lakad ng lakad sa harap ko. Ano ba naman eto. Ano kasing pangalan neto. Ares ba? Yun Ares. {13 Things Before I Die}.

 

"Uhm Ares, try mo ring umupo. Ako yung napapagod sa'yo eh."

Napatigil naman siya sa kakalakad at tumingin sa akin with an awkward smile. "Uhm. Sorry." Tapos umupo na siya sa tabi ko.

Bakit kami nandito? Bigla kasing nawalan ng malay si Cheer kanina sa school at hindi naman pwedeng hindi ko siya tulungan diba.

*******

 

Flashback

Napatigil ako sa paglalakad palayo kay Cheer nang marinig ko ang boses ng isang lalaking tumatawag sa kaniya.

"Cheer, anjan ka lang pala eh. Kala ko nakauwi ka na."

Lumingon ako at nakita ko silang dalawa. Tatalikod na sana ako nang mapatigil ako sa sinabi nung lalaki.

"Ok ka lang? Parang namumutla ka eh."

"O-ok lang ako Ares." Bakit ganun yung boses ni Cheer? Parang nanginginig.

"Cheer, hindi ka kaya ok." Sabi nung lalaki. Lumingon ako at nakita ko si Cheer na hindi talaga ok.

"Ares... I'm fine.. Don't.....” Hindi na natuloy ni Cheer yung sasabihin niya dahil bigla siyang bumagsak. Buti nalang at nasalo siya nung lalaking kaibigan niya. Napatakbo narin ako sa kanila. Nagulat naman ang lalaki sa presensya ko.

 

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko sa lalaking sumalo sa kanya.

"Meron siyang sakit." Sabi niya sabay buhat kay Cheer. "Dalhin na natin siya sa hospital." Sabi niya. Tumango lang ako at tumawag na kaagad ako ng tricycle.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now