Twenty-Five]

1.2K 29 12
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

"Bitawan nyo ako!"

"Wag ka na kasing pumalag pa at sumama ka na sa amin."

"Hindi ko kayo kilala! Bitawan nyo ako!"

"Napag-utusan lang din kami eh." Sa sobrang paggalaw niya ay natanggal ang hood na suot ng limang lalaking gumagapos sa kanya.

"Bakit ganyan ang mga pagmumukha nyo? Ano kayo? Sinong nag-utos sa inyo?"

Bumukas ang pinto ng isang van na puti at niluwa neto ang isang matangkad na tao na nakabalot rin ang buong katawan. Hindi nakikita ang pagmumukha neto pero nanginig ang limang gumagapos sa kanya kaya pati siya ay natakot sa kung sino ang palapit sa kanila.

"Ako ang nag-utos sa kanila." Sabi niya sa boses na talagang panginginigan ng kung sino mang makarinig.

"Si-sino ka?" Nauutal niyang sabi sa matangkad na tao na patuloy parin sa paglakad palapit sa kanya. Sa paglalakad neto ay lumantad ang isang nakakatakot na mukha na ngayon niya palang nakita sa buong buhay niya. Mas nakakatakot pa sa limang gumagapos sa kanya. Alam na niyang hindi talaga tao ang kaharap niya ngayon. Halimaw.

Ang limang nakahawak sa kanya ay umatras papunta sa kanyang likod kaya naman may pagkakataon na siya para makatakbo pero hindi niya magawa dahil sa parang napukol lang siya sa kanyang kinakatayuan at hindi na makagalaw. At yun ay sa sobrang takot.

"Ako si Karuba, isa sa mga pinuno ng Kraken." Sabi ng matangkad na tao habang nakangiti siya na nagpalitaw ng kanyang mga matutulis na ngipin.

-------

Ice's POV

"So mga anak, anong plano nyo sa inyong birthday?" Tanong sa amin ni mama.

Kumakain na kami ngayon ng aming hapunan at nagkatinginan kami ni kuya.

We'll be turning 18. 


Sabi ni kuya sa aking isip. Magiging 18 na nga kami at alam ko na magiging delikado na ang aming buhay at pati ang buhay ng mga magulang ko.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now