Thirteen]

1.7K 32 0
                                    

 Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

Chapter Thirteen//

Flame's POV

"Ma, alis na po kami." Paalam ko kay Mama.

"O sige anak, mag-ingat kayo ha. Umuwi kayo kaagad pagkatapos ng school nyo."

Hindi na namin sinagot si Mama sa huli niyang sinabi kasi alam namin na malalate kami ng uwi dahil sa pumayag kami na sumali sa training ni Curse at Happy. I don't have a freakin' choice but to say 'yes'. Eh sa gustung-gusto ni Ice na sumali eh. Sabi pa nga niya sa akin kung ayaw ko daw edi wag ko basta siya sasali daw siya, kaya wala akong nagawa kundi sumama nalang. Kesa naman iwanan ko lang ang kapatid ko sa wierd na Curse na yun diba.

Everyday daw yung nasabing training. 1 and a half hour pag weekdays at 3-4 hours pag weekends. Hindi ko nga alam kung ano yung mga gagawin dun kaya nga diba tumatanggi ako kasi baka mamaya paliparin lang pala kami ng ulol na yun.

Nagtricycle na kami papunta ng school kaya nandito na kami ni Ice. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang naninibago ako sa sarili ko. Ewan ko, parang iba na ako sa dating sarili ko. Pagkapasok ko palang ng school eh ang dami ko na kaagad na naririnig na mga bulungan. Kung dati eh yung mga bulungan lang tungkol sa akin ang mga naririnig ko, ngayon, kahit yung hindi tungkol sa akin na bulungan at chismisan ay naririnig ko na rin. Si Ice, eto ang sigla-sigla parin at binabati lahat ng makikita niya. Parang hindi siya nakidnap at hindi natuklasan yung totoo tungkol sa kanya eh nuh. Naglakad na nga siya ng mabilis kaya eto ako naiwan. Ayoko namang habulin yung baliw na yun.

 

"Hey!" Napalingon ako sa biglang tumapik sa akin at nakita ko yung isang lalaking medyo familiar pero hindi ko alam ang pangalan.

 

"Sino ka?"

Kumunot naman yung noo niya sa sinabi ko.  Nafrustrate ata siya sa sinabi ko, classmate ko eto eh pero di ko kasi kilala or alam yung pangalan.

 

"Eh? Hindi ako sinuka dude, iniri ako." Napigilan ko sarili ko sa muntik kong pagsapok sa kanya.

"Haha joke lang! Toffee nga pala, kaibigan ako ni Ice tsaka classmates tayo. Akala ko kasi ikaw si Ice nung nakatalikod ka. Pasensya na."

Tapos inabot niya ang kanyang kamay sa akin. Tiningnan ko lang eto at tumingin sa kanya with a cold expression. Binawi niya lang ang kanyang kamay at tumawa, isang embarassed na tawa.

 

"Ah eh. Una na ako sa room natin bro." Tapos tinapik niya ako sa balikat ko at naglakad na. Tiningnan ko siya palayo at pinuntahan niya si Ice at umakbay dito.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora