Fourteen]

1.6K 30 3
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

Chapter Fourteen//

Ice's POV

Nagising ako ng maaga dahil sa parang nanghihina ako at ang sakit ng ulo ko. 1st day kasi ng training namin ni Kuya kahapon at ayun pagkatapos ng training namin, bagsak kaagad kami sa aming mga kama at nakatulog na.

Hindi alam ni mama na nagtatraining kami upang maging isang ganap na Neteru dahil sigurado tututol siya sa gagawin namin. Maaaring sumuway nga kami sa utos niya pero sa tingin ko naman ay eto ang tama knowing the fact that sooner or later, masasaktan namin si Mama dahil sa pagsuway namin sa kanya.

Minsan, kailangan kasi ganun talaga. Hindi lahat ng tama ay makabubuti sa lahat.

Pumunta muna ako ng cr nang maisipan kong maglagay ng tubig sa isang baso. Gagawin ko ulit yung pinapagawa sa akin ni Curse. Sabi niya magkoncentrate lang daw ako at isiping magiging yelo ang tubig kaya naman sinunod ko yun. Inilagay ko ang aking kamay na umuusok dahil sa sobrang lamig sa baso. Sobrang saya ko dahil nagagawa ko na ring pausokin sa sobrang lamig ang aking mga kamay. Sana mapagtagumpayan ko etong basong to. Nakikita kong unti-unting naging yelo ang kalahati ng baso! Yeah! Sige pa! Kaya ko pa to.

"Wohooo!" Nagulat ako dahil naging yelo ang 3/4 ng baso. May natitira pang tubig pero not bad :)))

Flame's POV

Haaay.

Kung nabilang ko na siguro yung buntong hininga ko at kung pera lang ang bawat bilang ko sa lahat ng buntong hininga ko, mayaman na siguro ako.

Hindi ako nakatulog buong gabi kaya ngayong umaga, naubos na ang lakas ko pero hindi parin ako makatulog. 5:30 am na. Sinubukan kong ilabas ang apoy sa aking kamay. Itinaas ko ang aking kanang kamay na may maliit na apoy sa gitna ng aking palad.

Your fire is not concentrated that's why I can control it, and I could break it apart.

Naalala kong sabi ni Curse sa akin. Anong hindi concentrate sa apoy ko na sinasabi niya? Masyado bang mahina ang apoy ko?

Sinubukan kong palakihin ang apoy sa kamay ko na sapat lang sa aking palad. Pinabilog ko eto at nilagyan ko siya ng mas maraming fire pressure habang pinipigilan ko ang paglaki neto. Pinagpapawisan ako kahit na sobrang lamig na sa kwarto ko, at yun ay dahil sa init na nadarama ko habang pinipigilan ang paglaki ng aking apoy sa kamay habang dinadagdagan ang pressure dito. Kumbaga pinagkakasya ko ang apoy ko sa isang maliit na ball of fire.

"Kuya!" Nagulat ako sa pagtawag ni Ice kaya iniyukom ko kaagad ang aking palad pero wrong move. Dahil sa pressure sa ginawa kong apoy, gustong kumawala neto sa aking nakatikom na palad na parang sinusunog neto ang kamay ko. "Gising ka na pala ^___^ ." Sabi ni Ice wearing his smile. Buti pa etong isang to, walang pinoproblema.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon