Six]

1.8K 40 1
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

Chapter Six//

Flame's POV

Nagising ako dahil sa pagvibrate ng aking cellphone.

Sino kayang nagtxt ng ganito ka aga. Hindi naman sigurado si Ice kasi tulog pa siya sa kabilang kama kasi 5am palang. Hindi naman siguro si Mom kasi andito lang naman kami sa bahay. Or baka si Dad yung nagtxt? 3 lang naman kasi sila ang nakakaalam ng number ko eh at hindi ko eto pinapamigay kahit kanino.

Binuksan ko na eto at unknown number ang lumabas.

'Hi Flame, I got your number from Ice. Wag mo syang pagagalitan ha, pinilit ko lang naman kasi siyang kunin yung number mo kahit na sa una eh ayaw nya ibigay dahil lagot daw sya sa'yo pag nagkataon. I just want to inform you na pwede kang pumunta sa photo exhibits natin later sa hallway, 10am. Excuse naman lahat ng members ng photography club. Hope you'll be coming.

-Aira :) '

I forgot! Monday pala ngayon. Pasukan na naman.

Photo exhibit? Meron ba akong contribution dun? Aish! Bakit ba ako concern dun.

Lumabas nalang ako ng kwarto ko since hindi narin ako makatulog. Bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si manang Lucy na nagluluto sa kusina. Si Dad, alam ko may business meeting sya ngayon araw sa Cebu at umalis siya kahapon, pero ang alam ko mamayang gabi ang balik nya. Hindi ko naman makita si Mom. Baka tulog pa pero ang alam ko, lagi syang maagang nagigising.

"Ay sir, goodmorning po." Bati niya sa akin, "ang aga nyu naman po atang nagising?" Dagdag nya.

"Hindi na po ako makatulog eh. Si Mom po pala?"

Sagot ko sabay punta na rin sa kusina.

"Nasa garden po sya sir."

Ok, I'm sure busy na naman siya sa pag-aalaga ng mga tanim dun. Mahilig kasi si Mom mag-alaga ng mga tanim kaya naman meron kaming sariling garden sa labas.

Napansin kong parang nahihirapan si Manang sa pagbukas ng kalan dahil sa sinubukan niyang sindihan ng lighter ang kalan habang pinipihit ang bukasan neto.. "May problema po ba manang?"

 

"Yung kalan kasi eh, kanina ko pa sinusubukang buksan, walang lumalabas na apoy."

 

"Ay ganun po ba. Subukan ko nga po."

Pagvovolunteer ko sa kanya.

"Naku, wag na po baka mapaso lang po kayo."

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon