Twenty-Six]

1.1K 24 3
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2014

Twenty Six//

Flame's POV

"Fck! Bakit namatay tong tanim na'to!" Medyo naging histerikal ako ngayon dahil nakita kong namatay yung punong tinanim namin ni Frail as a final requirement sa aming agricultural class. So it means, patay narin yung grade namin?!

"Ok lang yan Flame, magtanim nalang tayo ulit ng bago." Sabi naman ni Frail na halata ding nadisappoint.

Maya-maya lang ay lumapit ang teacher namin sa amin at hindi siya natuwa sa kanyang nakita. Naku, baka talagang ibagsak kami sa klase dahil sa tanim na'to.

"Mr. Gutierrez and Ms. Hood, its depressing that your plant died." Tumalikod siya sa amin at dumako sa aming mga kaklase. "Class, growing a plant is not as easy as what we think. It needs patience, care and love."

-------

"Ano kayang ibig sabihin ni mam na ang pagtatanim ay kailangan ng patience, care and love nuh?" Tanong ni Frail habang tinatanim ulit namin yung bagong tanim na sana ay mabuhay na dahil kung hindi ay baka masunog ko to.

"Malay ko sa kanya." Sagot ko.

"Hindi kaya ibig sabihin nya dun kailangan natin mahalin yung tanim? Yung parang ituring nating anak?" Nagkatinginan kami dahil sa kanyang sinabi.

"Magtanim nalang nga tayo dito." Ako ang unang umiwas ng tingin at ibinaling ko ang aking atensyon sa aming tinatanim.

Mahabang katahimikan. . .

"Ahm Frail?" Tawag ko sa kanya.

"Bakit Flame?" Tumingin ako sa kanya pero nakatingin parin pala siya sakin kaya umiwas ulit ako. Ano ba naman siya, tutunawin niya ata ako sa tingin eh.

"May gagawin ka ba mamayang gabi?" Tanong ko habang nilalagyan na ng lupa ang maliit naming tanim.

"Mamayang gabi? Hmmm. Wala naman kaming training mamaya kasi pahinga namin nun kaya wala naman. Bakit?" Maya-maya ay nagkasabay ang paglagay namin sa tanim kaya naman nagkahawak ang aming mga kamay.

Bigla akong may naramdamang kung anong kuryente na dumaloy sa aking mga kamay.

"Ah eh..."Putik naman oh! Mukhang mauutal pa ata ako sa sasabihin ko.

Tumayo ako at tinalikuran siya, "6pm, starbucks inside starmall. Wag kang magsasama ng iba ha."

"Are you asking me for a date?" Humarap ako sa kanya at nagulat ako na nakangiti siya.

"Hindi. Manunuod lang tayo ng sine at kakain." Sabi ko habang sinusubukan kong huwag manlambot dahil sa kanyang mga ngiti. So gay Flame! You should kill yourself right now.

"So its a date." Sabi niya sabay pagpag ng kanyang kamay para alisin ang mga lupang kumapit dito.

"Bahala ka na nga kung anong gusto mong itawag dun." Napansin ko na madumi narin pala ang aking kamay. "Tara na nga lang, maghugas na tayo."

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGDove le storie prendono vita. Scoprilo ora