Seven]

1.7K 34 7
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013


Chapter Seven//

Ice's POV

Nagising ako ng maaga dahil sa nakakarinding tunog ng aking alarm clock. Tinatamad pa akong bumangon pero kailangan ko na talagang gawin iyon dahil kailangan ko ng makapunta ng school ng maaga para tumulong magset-up ng aming stage dahil ang club namin ang nakatoka ngayong araw for the school's club clash.

Bumaba na ako ng aking kama at tiningnan ang natutulog kong kuya. Laging nakabalot ng kumot etong isang to, hindi ko pa sya pwedeng gisingin kasi 5 palang ng umaga.

Naligo muna ako at nag-ayos. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko na naka uniform na.

"Sir Ice, good morning po. Ang aga nyo po atang nagising?" Bati ni Manang Lucy sa akin.

"Kailangan ko pong maagang pumasok eh. Manang, pagising nalang po si kuya mamayang 6:30 ah."

"Sige po sir." Sabi niya sabay diretso sa kusina.

"Ice, anak. Papasok ka na?" Bungad sa akin ni Dad pero nakatingin parin siya sa kanyang laptop.

Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Opo Dad eh. Yung theater's club po kasi yung nakatoka ngayon sa club clash eh."

Bigla niyang hinawakan ang aking kamay at tiningnan niya eto tapos tumingin siya sa akin. "Bakit ang lamig ng kamay mo?" Tanong niya.

"Po? Anong malamig?"

Sinubukan kong ilagay ang aking mga kamay sa aking pisngi. Hindi naman malamig ah.

"Hindi naman Dad ah."

 

"Ah ganun ba. Yung kapatid mo?"

 

"Tulog pa po sya eh. Mauna nalang po akong umalis sa kanya."

 

"O sige. Mag-ingat ka sa daan ha. Wag kang makikipag-usap sa mga hindi mo kakilala."

"Opo." Naglakad muna ako papuntang kusina para uminom ng tubig bago pumasok. Doon nalang siguro ako sa school mag-aagahan.

Haay. It will be a very big busy day for me.

Kumuha na ako ng baso at nilagyan eto ng tubig. Nang ilalapit ko na ang baso ng tubig sa aking labi ay nagulat ako ng biglang naging yelo ang tubig. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko eto at nabasag sa sahig.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now